Pinangibabawan ni Nathayos Sirigaya, ang kampeon ng Toyota GR GT Cup Asia, ang kompetisyon salamat sa pinagsamang bilis at consistency, pero alam niyang hindi magiging madali ang pagdepensa sa kanyang titulo ngayong taon.
“My expectations are high of course,” sabi ni Sirigaya sa ONE Esports, “but I’m not leaving out factors such as luck. Anything can happen since this is racing. And sometimes to win you need luck.Maybe it will be my day, maybe it won’t.”
(Mataas ang expectations ko siyempre, pero hindi ko rin tinatanggal ang ibang factors gaya ng swerte. Kahit ano pwede mangyari dahil karera ‘to. At minsan para manalo, kailangan mo ng swerte. Baka maging araw ko, baka rin hindi.)
Sa ika-29 ng Oktubre, si Sirigaya, kasama ng 19 pang racers mula sa pitong koponan, ay magpapaligsahan sa Toyota GR GT Cup Asia 2022 para sa titulo, bahagi ng US$21,000 perang papremyo, at dalawang pinaka-aasam na spots sa GR GT Cup Global Final 2022.
Bilang reigning champion, alam ni Sirigaya na papasok siya sa turneo na markado ang kanyang likod, pero hindi niya hinahayaang maka-apekto ito sa kanya at tila may inihanda pa siya para sa kompetisyon. “My approach changes every year,” kwento ni Sirigaya, “We all evolve due to experience.”
(Nagbabago ang atake ko kada taon. Umuunlad tayo dahil sa karanasan.)
Nakapanayam ng ONE Esports ang kampeon para pag-usapan ang turneo ngayong taon, ang aspetong mental ng pagkakarera, at ang nanggagayak sa kanya para mangarera.
Ang kahalagahan ng mental strength
‘Di tulad ng ibang torneo, kailangan sa Toyota GR GT Cup Asia 2022 na may kumpletong skillset at mastery ang mga racers sa malawak na range ng iba’t-ibang kotse mula sa GR racing stable. Ngayong taon, hinigitan pa ng Toyota ang pagsubok dahil idinagdag din ang iba’t-ibang weather conditions sa pagpili ng tracks.
Napatunayan na ni Sirigaya na kaya niyang magpakitang-gilas ano mang sasakyan ang gamitin niya, pero, gaya pa rin ng lahat ng mga driver, may paborito pa rin siya. “I like the GR Yaris the most as it is the car I took the V1600 Finnish title with,” ani Sirigaya, na inaabangan din ang pagkakataon na magamit ang GR Yaris ngayong taon sa “Fuji Speedway, as it is always close racing due to underpowered vehicles on a high-speed track.”
(Gusto ko ‘yung GR Yaris dahil ito ‘yung sasakyan na ginamit ko para makuha ang V1600 Finnish title.)
(Fuji Speedway, dahil parati itong close racing dahil sa mga underpowered na sasakyan sa high-speed na track.)
Para sa mga racers na nahihirapang mag-adapt sa iba’t-ibang sasakyan, tracks, o conditions, na kakarera sa Toyota GR GT Cup Asia 2022, may simpleng payo si Sirigaya: “Practice helps to eliminate errors.”
(Makakatulong ang pagsasanay para matanggal ang pagkakamali.)
Gayunpaman, inabisuhan din ng kampeon ang mga aspiring racers na importante ang mental strength patungo sa tagumpay.
“Races don’t always go to plan. You need the mental strength to fight back when mistakes and errors occur. Be calm, but also taking chances, weigh the risks and analyze the situation and how to overcome it. That’s what I would do.”
(Hindi parating aayon sa plano ang karera. Kailangan mo ng mental strength para lumaban sa tuwing magkakaroon ng pagkakamali. Manatiling kalmado, pero sumubok pa rin, timbangin ang panganib at suriin ang sitwasyon kung paano mo ito lalampasan. ‘Yun ang gagawin ko.)
Sa katunayan, inamin din ni Sirigaya na kung may isang payo siya na maibibigay sa mas bata niyang sarili, ito ay, “Be calm – patience is the key to racing in most situations.”
(Manatiling kalmado – importante ang pasensya sa karera sa karamihan ng sitwasyon.)
Ano ang nagmo-motivate sa isang kampeon?
Beterano na si Sirigaya sa eMotorsport scene at naging kinatawan na rin siya ng Thailand sa Gran Turismo ng walong taon, pero ang motivation niya sa pagkakarera ay parati ang pamilya niya.
“My father was a petrolhead,” kwento ni Sirigaya. “He had a big role in why my life revolves around cars.” At bilang tatay na rin, pamilya pa rin ang nagmo-motivate kay Sirigaya tuwing siya ay kumakarera. “I’m happy to make earnings from sim racing for my wonderful daughters.”
(Petrolhead ang tatay ko. Malaki ang ginampanan niyang papel kung bakit sa mga sasakyan umiikot ang buhay ko.)
(Masaya ako na kumikita ako sa sim racing para sa mga ipinagmamalaki kong anak.)
Para naman sa kanyang immediate goal, nais ni Sirigaya na depensahan ang kanyang titulo at selyuhin ang kanyang ticket sa GR GT Cup Global Final. “Last year I had a glimpse of the Global Finals but due to COVID-19 the races were held online from home. I know for a fact how tough the competition is, but I want to go back and prove myself again.”
(Noong nakaraang taon, nasulyapan ko ang Global Finals pero dahil sa COVID-19 ginanap online mula sa bahay ang mga karera. Alam ko na mahirap ang kompetisyon, pero gusto kong bumalik at patunayan muli ang sarili ko.)
Tunghayan si Sirigaya at ang buong GAZOO Racers sa Toyota GR GT Cup Asia 2022 sa ika-29 ng Oktubre, 2022. I-click ‘to para sa karagdagang detalye tungkol sa turneo.