Opisyal nang nakapasok ang Hi5 at Team MYS para sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 offline final.
Ang dalawang mga koponan ay dumaan sa limang linggo ng paglalaro sa kanilang mga regional leaguesnang walang series na ipinatalo. Nanguna sila sa phase one ng kani-kanilang mga liga na may perfect score na 4-0 sa kanilang pagtatapos.
Ibang klase ang Hi5 sa East Asia league
Mula simula hanggang katapusan, nangingibabaw ang Hi5 sa kanilang bawat atake. Ang kanilang draft, decision making, at team execution ay nasa punto, at wala sa ibang mga koponan ang nakayanang makapantay sa mga ito.
GUmamit sila ng iba’t ibang uri ng Pokémon kabilang ang Absol at Garchomp, kasama rin ang mga bihirang lumabas sa meta. Ang kanilang pagiging unpredictable pagdating sa draft ay nangangahulugang halos walang magawa ang mga koponan upang i-deny sa kanila ang mga paborito nilang options.
Para sa maraming teams sa East Asia, ang pag-outplay sa Hi5 ay bihira rin. Sa pangkalahatan, sila ang magpapasya ng bilis ng laro at kung kailan magaganap ang mga sagupaan. Ang Hi5 ay dalubhasa sa snowballing, lalo na dahil sa bilis ng laro ng team na ito.
Nagpasabog ang MYS sa kanilang Southeast Asia league run
Bagama’t ang paglalakbay ng MYS sa Southeast Asia division ay hindi kasing linis ng kanilang East Asia counterpart, tiyak na nakumbinsi nila ang mga fans pagkatapos ng kanilang kamangha-manghang huling series laban sa Renaissance.
Bago makarating sa kanilang huling matchup, hindi ganoon kaswabe ang track record ng MYS. Ang lahat nang kanilang mga nakaraang laban ay nagkaroon ng tatlong games, samantalang ang Renaissance ay may sa malinis na 2-0 sweeps. Dahil nakataya ang kanilang pagpasok sa offline finals, inilabas nila ang lahat nang kanilang husay sa kanilang pinakamahalagang series.
Kahit na sa ilalim ng lahat nang pressure, matagumpay nilang nagawang i-debut ang Comfey at Zoroark. Masigasig na lumaban ang Renaissance gamit ang kanilang mga signature na Pokémon, ngunit nakakuha ang MYS ng malinis na 2–0 sweep at ang kanilang ticket sa offline finals.
Magsisimula ang phase two ng Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 East Asia at Southeast Asia divisions sa February 17 at 18 kung saan ang mga natitirang koponan ay maglalaban-laban para sa huling slot sa offline final.
Panoorin ang mga games nang live sa YouTube, Facebook, o Twitch stream ng ONE Esports.