Bago na ang go-to item build kay Valentina dahil mas nakatuon na ang mga pro players sa kakayahan nito bilang ang main damage dealer ng kanilang koponan.
Madalas dati ay Clock of Destiny tapos Lightning Truncheon ang unang dalawang items para sa hero, pero iba ang atake ng midlaner ng ONIC Esports na si Gilang “Sanz” pagdating sa item build kay Valentina.
Sa kahabaan ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11), hindi natalo kahit isang beses ang regular season at finals MVP ‘pag gumagamit ng Valentina.
Ito ang best item build kay Valentina ayon kay Sanz ng ONIC
Ang midlaner na kinilala ngayon bilang ‘Gila Sanz’ dahil sa kanyang kagila-gilalas na performance sa playoffs ay nagpakita ng iba’t-ibang item build kay Valentina sa kahabaan ng kompetisyon.
May tatlong item na ‘di mawawala ‘pag gumagamit si Sanz ng Valentina, pero wala sa mga ito ang may Clock of Destiny. Ang scaling magic item na nagbibigay ng dagdag magic power habang nagtatagal.
Narito ang tatlong item na ‘di mawawala sa para kay Valentina ayon kay Sanz.
- Enchanted Talisman
Pinapangunahan pa rin ni Sanz ang libro bilang kanyang unang item. Sa item na ito, mas madali niyang magamit ang kanyang mga kasanayan at hindi masyadong nasasayang ang Mana. Ito ay isang opsiyon na pinili pa rin ng manlalaro sa kanyang agresibong gameplay ng Valentina.
- Lightning Truncheon
Nagbibigay ng karagdagang magic power, mana, at nagpapababa ng CD ng hanggang 10%. Mayroong isang passive effect na nagdaragdag ng periodic damage sa tatlong kalaban sa paligid niya batay sa Mana na mayroon siya. Hindi nakakagulat na maganda pa rin ang Lightning para kay Valentina.
- Holy Crystal
Nagbibigay ng karagdagang magic damage na hanggang sa 100, o pangalawa pinakamalaki pagkatapos ng Blood Wings. Ang HC ay mayroon ding isang passive effect na nagdaragdag ng 30% na magic power para sa bawat 100 magic power.
Wala sa best item build kay Valentina ang Clock of Destiny. Pero minsan, bumibili pa rin si Sanz nito lalo na sa mid o late game, kung talagang kailangan.
Kung hindi naman, Winter Truncheon o Glowing Wand na lang ang kanyang bibilhin.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Kairi inilahad kung bakit naghahari ang Pinoy players sa MPL ID: ‘Di lang kasi puro mechanics’