Kilala ang wrestling superstar na si Randy Orton bilang maangas na kontrabida sa mga baguhan at mga alamat sa WWE universe, kung saan tinagurian siyang “The Viper” dahil sa kanyang pagiging mabangis at tuso.
Sa kabila ng pagkakakilala sa kanya at kanyang bad boy image, mas wholesome na Randy Orton ang nakita ng marami sa episode ng Monday Night Raw para sa linggong ito, kung saan ipinagdiwang ang kanyang 20th anniversary sa WWE. Matapos magpakawala ng apat ng RKO at magpasalamat sa maingay na crowd sa Knoxville kung saan siya ipinanganak, ipinagpatuloy niya ang post-event celebration sa pianaka-epic na paraan, paglalaro ng video games.
Randy Orton pumapatay ng mga demi-gods sa Elden Ring
Sa isang post-event interview, sinabi ng batikang wrestler na lubos siyang nagpapasalamat sa televised anniversary, at hindi na siya makapaghintay na makasama ang kanyang pamilya sa St. Louis upang maipagdiwang ito, Walong oras na bus ride ang naghihintay sa kanya, at sinabi ng wrestler na magre-relax siya at maglalaro ng video games habang nasa biyahe.
Sa katunayan, isa siyang fan ng Elden Ring, ang hit na role-playing game na dinevelop ng FromSoftware.
Wala pang ipinapakita na Elden Ring gameplay footage si Orton ngunit nabanggit niya sa isang tweet na siya ay nasa level 527, isang nakakabilib na accomplishment para sa isang tao na hindi lang nakikpagbuno at bumabalibag ng ibang tao bilang kanyang kabuhayan, ngunit meron din siyang pamilya at limang anak.
Nagulat sa balitang ito ang marami niyang fans na naglalakbay din sa Lands Between. Isang legendary feat ang tingin ni user @darthhawk82 sa level ni RKO, at sinabi pang hindi nito marahil pinapatay ang game maliban na lang kung kailangan niyang manggulpi ng ibang tao.
Kung kakalkulahin, gumastos na ng halos 551 million Runes si Orton sa RPG ng FromSoftware, at mukhang wala siyang planong tigilan ito. At dahil ang level cap ay nasa 713, marami ang nag-aabang sa final build ng wrestler kapag siya ay naging isang ganap na maxed-out Elden Lord.
Mapapanood ang 20th anniversary video ng The Viper sa ibaba:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.