Aminin mo na, lagi mong iniisip kung gaano ka katagal tatagal sa lahat ng laro sa Netflix television series hit na Squid Game.

Ang fictional Korean series ang take ng Netflix sa battle royale genre kung saan daan-daang financially-challenged contestants ang naglalaban sa mga nakamamatay na children’s games at ang kampeon ay mag-uuwi ng makalalaglag-pangang US$38 million (halos P2 bilyon).

Pero hindi mo na kakailanganing itaya ang iyong buhay para lang maranasang maglaro sa Squid Game. Pwede kang sumali sa isa sa mga laro dito sa iyong tahanan sa pamamagitan ng popular na larong Minecraft.


Isang fan ang gumawa ng epic Squid Game glass bridge sa Minecraft

Squid Game glass bridge sa Minecraft
Credit: grouchy-career-2974 on Reddit

Maaari nang maranasan ng mga fans ang kaba sa paglalaro ng nakakatakot na Squid Game glass bridge sa pamamagitan ng Minecraft. Ni-recreate ng Redditor na si grouchy-career-2974 ang mechanics ng laro na talagang mapapamangha ang fans ng Korean Netflix series.

Gumamit ang Minecraft player ng pressure plates sa ibabaw ng glass blocks para gumawa ng ilusyon ng regular at tempered glass panels.

Katulad sa show, ang mga Minecraft players na tatapak sa mas mahinang regular glass panels ay bubulusok sa kanilang kamatayan.

Pwedeng makita ng Minecraft fans ang maiksing video demonstration ng recreated na Squid Game glass bridge sa Reddit.


Paano gumagana ang Squid Game glass bridge?

Credit: Netflix

Ang glass bridge ang ikalimang laro sa Netflix hit series.

Kinakailangan ng mga manlalaro na makaabot sa dulo ng platform sa pamamagitan ng pagtalon sa glass panels. Bawat glass panel set ay binubuo ng isang regular at isang tempered glass.

Dapat makahakbang ang players sa tempered glass panels sa loob ng 16-minute time limit para makaabante sa susunod na laro. At kapag namali ng tapak, walang magliligtas sa mga manlalaro mula sa tiyak na kamatayan.


Pagsasalin ito ng katha ni Kristine Tuting ng ONE Esports.