Nagbibigay pugay ang Valorant kay Lance “Finest” Arcilla, ang pumanaw kamakailan na player sa likod ng sikat na “Revive me Jett” meme noong 2020. Sumakabilang-buhay si Finest nitong April ayon sa kanyang ina na si Leny Arcilla.
Ang Episode 4 Act III Battle Pass ay magkakaroon ng special Finest title bilang parangal sa kanya, nang sa gayon ay maaaring dalhin ng mga players ang kanyang pangalan.
Makalipas ang dalawang taon, nananatili ang “Revive me Jett” na isa sa mga pinaka-iconic memes sa Valorant, at kailan lang ay ginunita ito ng Riot Games sa pamamagitan ng special spray sa Valorant Episode 2 Act II Battle Pass.
Sa viral video, maririnig ang 21-anyos na Filipino player na nagmamakaawa sa kanyang kakamping Jett na i-revive siya, dahil nalilito siya sa Korean duelist at kay Sage.
Valorant pinarangalan ang player sa likod ng ‘Revive me Jett’ meme sa Finest title
Maaaring ma-unlock ang bagong title sa free Chapter 7 rewards sa Battle Pass.
“In the upcoming Episode 4 Act 3 Battlepass, we pay tribute to Lance “Finest” Arcilla, who gave the Valorant community so many unforgettable moments of joy. In his honor, all players can now carry his name with them,” sabi ng Riot sa isang tweet kung saan inanunsyo nila ang title.
Ang Riot ay nagbibigay ng parangal at papugay sa mga hindi malilimutang karanasan na ibinabahagi sa Valorant community. Sa pamamagitan ng player title na ito ay maaalala ng mga fans si Finest at ang pamana na kanyang iniwan.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.