Nagdudulot na ng komosyon ang Valorant patch 4.08 dahil sa nerf sa dash ni Jett, subalit mukhang hindi pa dito nagtatapos ang maliligayang araw ng paboritong Korean duelist ng lahat.
Bagama’t hindi na pwedeng gamitin ni Jett ang kanyang Tailwind reactively at kakailanganing i-activate ang 12-second window nang mano-mano bago magamit ito, mapapansin ng mga players na mas mabilis nang mag-refresh ang kanyang dash.
Sa katunayan, iniisip ng Sentinels star na si Tyson “TenZ” Ngo na ang nerf ay isa talagang buff.
Jett nerf mas napabilis ang pag-refresh ng dash sa Valorant 4.08
Sa Valorant patch 4.08, ang pagpindot sa Tailwind key ay hindi na magreresulta ng instant dash. Matapos ang maikling delay, ang player ay magkakaroon ng 12-second window kung kelan maaari siyang mag-dash. Nakokonsumo ang Tailwind, magamit man o hindi ang dash.
Nagre-refresh din ang ability matapos makakuha ng dalawang kills, tulad ng dati. Subalit ang pinagkaiba ay nagsisimula ang kill counter sa pag-activate pa lang ng Tailwind. Ibig sabihin nito, kapag nakakuha ka ng kill at mag-dash agad, kakailanganin mo na lang ng isa pang kill para muling magamit ang Tailwind.
Kung ikukumpara sa pre-nerf Jett, kailangan pang makakuha ng dalawa pang kills matapos ang unang pagpitas at pag-dash. Kaya hindi ka man makapag-dash nang agaran, mas madalas mo naman itong magagamit.
“New Jett changes are actually just a buff,” sabi ni TenZ on Twitter. “You get kills towards the next dash even if you didn’t activate the current dash fully.”
Sa kabuuan, maganda ang dulot ng Valorant patch 4.08 kay Jett. Pinupwersa nito ang mga players na magplano nang maaga sa paggamit ng dash at bigyan ng pansin ang pagkuha ng impormasyon, habang pinapanatili ang kanyang explosive ability na maging agresibo sa pag-atake.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.