Isipin mo to. Nanalo ang team mo sa opening pistol round sa attack, tapos nagdesisyon na magtipid yung Jett main niyo sa second round para makabili ng Operator.

Kapag nakaipon na sila ng sapat na credits para makuha ang baril, mamatay agad sila sa unang tatlong segundo ng round, at nakuha ng kalaban ang weapon.

O ‘di kaya, makikita mo silang nakaupo ng matagal at naghihintay na may kalaban na dumungaw habang lahat nang teammates niya ay 20 segundo nang patay.

May espesyal na pwesto ang mga Jett mains sa Valorant. Sila ang mga reyna ng instalock, at natutuwa tayo pag nakiktia nating napapatama nila yung Blade Storm habang nasa ere. Pero may mga araw din na mapapaisip tayo kung nag-iisip ba ang mga ito.



Bakit hindi ka dapat bumili ng Operator sa attack bilang isang Jett main

Klaruhin lang natin ito para malinaw sa lahat. Hindi porket napanood mong bumibili ang mga pros ng Operator sa attack sa VCT ay magsasayang ka na rin ng 4,700 credits para sa sniper rifle sa ranked games.

Ang mga pros ay kabilang sa isang coordinated team naa may mga set plays at utility para magamit nila ng maayos ang weapon. Ikaw, hindi. Sa attack, ang buong plano mo ay nakapalibot sa pag-aabang mo sa isang angle sa pag-asang may isang ambisyosong defender na sisilip sa iyo. Pag walang dumungaw, sabog ang buong plano mo.

Mas masaklap ito kung ikaw lang ang nag-iisang duelist, at ikaw ang inaasahan ng team mo na lumikha ng space para sa kanila. Hindi pwedeng nasa likuran ka bitbit ang Operator habang si Chamber ang sumusubok na pumasok.

Baka naman meron kayong secondary duelist na Reyna. Pero mukhang wala ring pinagkaiba yun. Hindi sapat si Reyna para maunang pumasok sa site, at siguradong madudurog ang team niyo kung alam ng kalaban ang ginagawa nila.

Ang Operator sa Valorant ay katulad din ng sa CS:GO. Ang big green gun sa shooter ng Valve ay may mas ambilis na scope at mas magaan dalhin, kung kaya pwede itong gamitin sa mga aggressive plays.

Operator Jett
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Sa kabilang banda, mabigat at mabagal naman ang Operator sa Valorant. Kapag nagmintis ka ng tira, siguradong maiiwan kang nakanganga.

Syempre may mga pagkakataon din na magiging pabor sa iyo ang paggamit ng Operator. Siguro kung hindi maingat ang mga kalaban at mahilig sumilip. O kung talagang mahusay lang ang team mo sa pagkuha ng site, kaya pwede mong gawin ang post-plant play mula sa malayo.

Suma total, ang Operator ang tipo ng baril na bumabase sa sitwasyon. Maliban na lang kung diyos ka sa paggamit ng baril na ‘to o may matibay na plano, tigilan mo na pagbili nito para sa kapakanan nating lahat.

At higit sa lahat, tigilan mo pagsabi sa mga teammates mo na damputin ang Operator ng defenders kung hindi ka naman e-ebtry sa susunod na round.

Salamat.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.