Naging live ang unang PvP beta ng Overwatch 2 noong April 26, at binigyan nito ang mga players ng isang unang silip sa lahat ng mga hero changes sa Overwatch 2 na darating sa shooter game ng Blizzard. 

Isa nang 5v5 game ang Overwatch 2 at tinanggal na ang isang  tank sa traditional team composition. Ang 33rd hero ng laro, si Sojourn, ay available nang laruin sa beta, kumpleto pa kasama ang isang kasiya-siyang rapid-firing railguna at sliding move, kaya napaka-fun siyang gamitin. 

Ngunit ang pamilyar na cast ng heroes ng laro ay makakatanggap rin ng matinding overhaul. Sina Doomfist, Bastion, at Orisa ay may panibagong kits, habang ang bawat role ay may kakaibang passive. 

Halimbawa, ang lahat ng tanks ay may knockback resistance at mas mababang ultimate generation mula sa damage at healing na matatanggap nila. Mas mabilis ang kilos ng mga DPS heroes, habang makaka-recover ng 15 health per second ang mga support characters matapos ang one second na hindi makatatanggap ng damage. 

Ang mga abilities naman na ginagamit para ma-stun o immobilize ang mga kalaban ay na-rework din. Kasama dito ang Flashbang ni Cassidy, ang Endothermic Blaster ni Mei, at ang Steel Trap ni Junkrat. 

Ito ang lahat ng mga Overwatch 2 hero changes sa PvP beta, na tatakbo hanggang May 17. 

Bawat Overwatch 2 hero change at rework na kailangan mong malaman 

Doomfist 

Overwatch 2 Doomfist
Credit: Blizzard

Halos hindi na makilala si Doomfist, mula sa kaniyang uppercutting, DPS days. Isa nang tank ang Nigerian hero sa Overwatch 2, at may pagtaas nang 450 points ang kaniyang health. Ang isang bagong Power Block ability ang pumalit sa Rising Uppercut para mabawasan ang damage sa harap nang 90 percent. 

Kung makaka-block ka ng at least 100 damage, magiging supercharged ang gauntlet ni Doomfist, at tumataas ang damage ng Rocket Punch niya para makakilos siya nang mas mabilis at mas malayo. 

Ang kaniyang primary fire, ang Hand Cannon, ay nakatanggap ng pagbaba ng damage mula sa 6 patungong 5 per bullet. Ngunit tumaas naman ang ammo regeneration rate mula sa 0.4 seconds mula sa 0.65 seconds. 

Halos parehas na ang saysay ng Seismic Slam sa jump ni Winston, na tutulakin ka pataas at makakadulot ng damage sa mga malalapit na kalaban kapag lumanding ka. Mapapabagal rin nito ang movement ng kalaban nang 30 percent at hindi na makakahakot ng mga kalaban papalapit. 

Para mas umangkop pa sa kaniyang bagong role bilang tank, ang maximum damage sa kaniyang Meteor Strike ay bumaba sa 100 mula sa 200 noon. Tinanggal na ang Kockback at isang bagong slow effect ang dinagdag. 
 

Orisa 

Overwatch 2 Orisa
Credit: Blizzard

Sumailalim rin ang Guardian robot na si Orisa sa isang matinding rework sa Overwatch 2. Ang kaniyang Protective Barrier shield at Halt! Gravity pull abilities ay tinanggal. Sa halip niyan, mayroon na siyang Energy Javelin, isang projectile na nakakasindak at tumutulak papalayo sa mga kalaban, at ang Javelin Spin, isang defensive ability na sumisira ng gma projectile at nag-pu-push ng mga kalaban para makakilos siya nang mas mabilis. 

Pinalitan ang kaniyang Supercharger ultimate ng Terra Surge na nakakahila ng mga malalapit na kalaban at nagpapalakas sa kaniya. Nakakapag-charge na rin siya ng isang area-of-attack sa loob ng mahigit apat na segundo para maglabas ng isang charge na nagdudulot ng 225 damage depende sa tagal nito. 

Habang naka-charge, nakakadulot rin siya ng minor damage over time at pinapabagal niya ang mga malapit na kalaban nang 30 percent. 

Nakatanggap rin siya ng bagong primary fire ability na ang tawag ay Augmented Fusion Driver na mabilisang bumabaril ng 10 plasma projectile per second. Hindi na kailangan I-reload ang weapon na ito at gumagamit ito ng isang heat mechanic imbes na bala. Tumataas ang init kapag binabarila ng weapon, at hindi na siya magagamit nang tatlong seconds kapag nag-overheat ito. 
 

Bastion 

Ang mobile turret nasi Bastion ay isa pang hero na nakatanggap ng panibagong pahid ng pinta sa Overwatch 2. Ang kaniyang signature Self-Repair ability ay wala na, kaya hindi na niya kayang I-heala ng kaniyang sarili. Kapalit nito ay ang bagong alternate fire A-36 Tactical Grenade, na tumatalbog sa mga pader at kayang dumikit sa mga players o sa sahig. Sumasabog ito matapos ang onting delay at nagdudulot ng hanggang 130 damage. 

Ang kaniyang turret form, ngayon ay tawag na Assault, ay nagpapagalaw sa kaniya ngunit mayroon itong 35 percent speed penalty. Tumatagal ito nang anim na segundo at may 12-second cooldown, kaya hindi siya pwedeng umupo sa payload sa likod ng isang shield. 

Ang dating Tank configuration ultimate ni Bastion ay pinalitan rin ng Artillery sa Overwatch 2. Ni-lo-lock nito si Bastion sa kaniyang lugar para bumaril ng hanggang tatlong long-range artillery shells na nagdudulot ng matinding damage na may malaking sakop. 

Parehas ito sa Meteor Strike ni Doomfist at nagmumula sa taas na naka-target sa mga lokasyon. Ngunit kinokonsidera silang projectiles at maari itong I-block o sirain ng ibang abilities. 

Winston 

Overwatch 2 Winston
Credit: Blizzard

Mas naging matatag na tank si Winston sa Overwatch 2. Tumaas ang kaniyang base armor mula 150 patungongg 200, habang ang health ng kaniyang Barrier Projector shield bubble ay tumaas mula 650 patungong 800. Para ma-offset ‘yon, bumaba ang shield duration mula 9 patungong 8 seconds, habang binawasan naman ang cooldown time mula 13 patungong 12 seconds. 

Dagdag pa niyan, mayroong bagong secondary fire ability ang kaniyang Tesla Cannon. Mag-cha-charge ito at maglalabas ng isang 30-meter bolt ng kuryente na nagdudulot ng hanggang 50 damage at may halaga ng 20 ammo. 

Sombra 

Mas nagdudulot ng damage si Sombra ngayon at ginamit niya ang matinding 40 percent increase sa damage sa mga hacked na targets. Mabubunyag ang lokasyon ng mga hacked na kalaban sa team ni Sombra sa loob ng eight seconds para makatulong na mahanap ang mga high-value targets nang mas madali. 

Apat na seconds na lang ang cooldown ng Hack, kumpara sa eight na seconds noon. Dagdag pa diyan, hindi na kailangan iwanan ni Sombra ang Stealth mode bago mag-hack, ngunit makikita siya ng mga kalaban habang ginagawa niya ito. 

Mas malupit ang parusa ng kaniyang EMP ultimate rin, humuhugot ito ng 40 percent sa curernt health kumpara sa damage sa kalaban. 
 

Mei 

Hindi mo na kailangan titigan ang mga patay na mata ni Mei habang ika’y maninigas. Tinanggal na ang Freeze stun sa kaniyang Endothermic Blaster. Ngayon ito ay nagpapabagal na ng mga target sa isang konsistent na 50 percent. Ang mabagal na duration ay bumaba na rin sa 0.5 seconds mula sa 1 second. 

Mayroong 250 health na lamang ang kaniyang Ice Wall, kumpara sa 400 noon, habang bumaba naman ang range nito mula 35 patungong 20 meters. 

Dagdag pa riyan, mas matagal na I-charge ang kaniyang Blizzard ultimate dahil sa 15 percent na mas mataas na halaga. 
 

Cassidy 

Overwatch 2 Cassidy
Credit: Blizzard

Na-rework ang bagong ability ni Jesse McCree kasabay ng kaniyang pangalan. Wala na ang kaniyang signature Flashbang at pinalitan ito ng Magnetic Grenade na humahabol sa mga malalapit na kalaban at didikitan niya ito. 

Dahil sa pagbabagong ito, nawala ang isa sa pinaka-epektibong panlaban ni Cassidy laban kina Tracer at Genji, at magiging mas mahirap pigilan ang mga kalaban na naka-flank. 

Mas mahirap naman patumbahin si Cassidy habang naka-channel ang Deadeye ultimate. Mayroon na siyang 40 percent damage reduction, at ma-cha-channel niya ito sa loob ng pitong segundo kumpara sa dating anim. Mas tumaas rin ang halaga ng Deadye nang 10 percent. 
 

Reinhardt 

Overwatch Reinhardt
Credit: Blizzard

Mas malambot na ang armored tank na si Reinhardt sa Overwatch 2. Maliban sa bump ng kaniyang base armor at health, mas madali nang gamitin ang kaniyang Charge ability. 

Tumaas ang steering turn rate nang 50 percent, at maari nang I-cancel nang manual ang Cahrge, kaya hindi ka na mapipilitan na dumaan sa likod ng enemy lines (o lumagpas sa mapa) kung hindi mo ito ma-timing nang maayos. 

Nakatanggap rin ng dalawang Fire Strike charges ang German tank na ‘to, ngunit may kaonting pagbaba ng damage. Bumaba ang health ng kaniyang Barrier Field mula 1,600 patungong 1,200, at mas matagal makapag-regenerate rin ito. Nakaka-recover ito ng 144 health per second, mas mababa sa 200 noon. 
 

Zarya 

Na-boost ang base health at shields ni Zarya mula sa 225 patungong 250. Nasa shared two-charge cooldown na rin ang kaniyang Particle Barrier at Projected Barrier, at naguumpisa ito kaagad sa ability use sa halip ng pag-expire ng barrier. 

Binigyan rin si Zarya ng flexibility sa paggamit ng kaniyang dalawang shields, dahil sa rework. Ang shared two-charge system ay nangangahulugang maari niyang magamit ang dalawang bubbles sa kaniyang sarili nang paulit-ulit, o maari rin niyang protektahan ang dalawang kakampi niya nang sabay. 

Mas mabilis na maubos ang kaniyang energy, mula 2.2 patungong 1.8 per second. 

Brigitte 

Hindi na pwedeng ma-stun ng support hero na si Brigitte angg mga kalaban gamit ang kaniyang Shield Bash. Ngunit mas nagdudulot ng damage ang ability na ito, mula sa 1 patungong 50. Bumaba rin ang cooldown nila mula pitong segundo patungong limang segundo, at nagkaroon rin ng mas mahabang range di tulad ng dati. 

Ang healing mula sa kaniyang Inspire passive ay na-tri-trigger na ng kaniyang Shield Bash damage, hindi lang sa kaniyang Rocket Flail at Whip Shot. 

Junkrat 

Hindi na masyadong nakakainis ang Steep Trap at hindi na rin nito napipigilan ang paggalaw ng mga nahuling kalaban. Ang mga na-trap na kalaban ay matatali na ng isang chain, at bumagal ang galaw nila nang 65 percent hanggang sa makamit nila ang maximum na haba ng chain para maputol ito. 

Hindi na rin ma-activate ang mga movement abilities, at nagdudulot na ng mas mataas na damage ang trap. 

Para sa kumpletong listahan ng mga pagbabago sa Overwatch 2 PvP beta, puntahan ito