‘Di na pwedeng gamitin sa gobyerno ng France ang mga English gaming terms gaya ng “esports”, “streaming”, o “cloud gaming”.

Ito ay matapos i-ban ng Académie Française, ang institusyon na namamahala sa French language, ang ilang English gaming terms, alinsunod sa kanilang adhikain na mapangalagaan ang katumpakan ng kanilang lenggwahe.

Naipatupad ang pagbabagong ito matapos konsultahin ang Ministry of Culture ng France at ma-isyuhan sa isang opisyal na journal. Sinasaklaw nito ang lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno, pero hindi sa mga French media outlets.

Ibig sabihin nito, ang mga opisyal ng gobyernong kailangang gamitin ang mga nasabing salita para humarap sa publiko o magsulat ng dokumento ay dapat gamitin ang kaakibat na salita nito sa lenggwaheng French.

‘Di na pwede gamitin ng French ang mga English gaming terms

Banned na sa France ang gaming terms, gaya ng 'esports' at 'streamer'
Credit: Riot Games/Getty Images

Ngayon, ang esports sa French ay “jeu video de competition,” habang “joueur professionnel” naman ang kahulugan ng pro gamer. Samantala, “joueur-animateur en direct” naman na ang itatawag sa mga streamer.

Naging concerned ang Ministry of Culture sa mga nasabing English gaming terms dahil maaari raw itong maging balakid para maintindihan ng mga hindi gamers, ayon sa AFP. Ang adhikain nila ay mabigyan ng pagkakataon ang mga French na makapag-communicate nang mas madali.

Napabalita ring nagsalikslik ang mga eksperto sa mga video game websites at magazines para sa mga umiiral nang French terms.

Nauna na ring nagbabala ang Académie Française patungkol sa “degradation” ng French language, lalo na’t patuloy ang pagpasok ng mga English terms gaya ng “big data” at “drive-in.”

Matagumpay ang mga nauna nilang hakbang para mapanatiling puro ang salitang French. Halimbawa na lang ang paggamit nila ng “courriel” imbes na “email”.

Naitatag ang institusyon noong 1635. Kilala ang 40 miyembro sa bansag na “the immortals,” isang malinaw na pahiwatig kung gaano sila kaseryoso sa kanilang adhikain.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: TUMI at Razer gumawa ng limited edition esports collection para sa gamers on the go