Pinasok ng ika-anim na episode ng Gamer’s Paradise ang mundo ng fighting games — isang pagdiriwang sa isa sa mga naunang video game genres at pioneer ng esports.

Iilan lang ang makapapantay sa pagiging tanyag ng Tekken franchise ng Bandai Namco. Ilang bersyon na ng laro ang nailabas nito noong nakaraang tatlong dekada at patok ang lahat ng ‘to.

Tampok sa The Pulse segment ang professional coach, commentator, at streamer na si Pica Lozano kasama ang host at caster na si PochSpice para pagdebatihan ang isang malupit na tanong:

Ano nga ba ang best Tekken game?


Saludo sa fighting games ang Gamer’s Paradise Episode 6


Boto si Pica sa Tekken: Dark Ressurection, na inilabas noong 2005 bilang update sa Tekken 5. Tampok dito ang parehong storya ng naunang laro, pero may ipinakilalang tatlong bagong karakter, game balance updates, at mas maraming character optimizations.

“Dark Resurrection is the pinnacle of when the different players and personalities actually started to get more recognized,” paliwanag niya. “It’s where people started joining tournaments legitimately, because it was very difficult to be pro or to be good at the game back then.”

Pero para kay PochSpice, walang tatalo sa Tekken 7. Dahil sa dami ng idinagdag sa fighting system nito, naging mas beginner-friendly ang laro kumpara sa mga naunang bersyon nito.

Ang pagiging accessible daw nito ang naging dahilan sa likod ng tagumpay nito matapos makabenta ng higit siyam na milyong kopya sa buong mundo.

Gamer's Paradise Episode 6 recap: Ano nga ba ang best Tekken game?
Credit: Gamer’s Paradise

Sa Hero Story segment ng Gamer’s Paradise, bumida naman ang fighting game legend na si Ho “Xian” Kun Xian, na kilala sa mga unconventional character picks at husay sa paggamit ng mga ito. ‘Yun pala, may mas malalim pa lang dahilan ang stratehiya niyang ito.

“That goes back to a story in 2011, when I actually first traveled to EVO to compete,” kwento niya. “I was playing Yun at that time. That was one of the strongest characters at the moment.”

“So when I went on stage for the top 32 match at EVO, the crowd was booing at me the moment I selected my character.”

Tumatak ang insidenteng ito kay Xian. Wala masyadong fighting game pros sa Singapore noon kaya’t nais niya sanang gumamit ng “special” na character para marepresenta ang kanyang bansa. Simula noon, mas pinili niya na lang maglaro ng mga hindi pangkaraniwang karakter para patunayang hindi niya kailangan sumalalay sa meta para magtagumpay.

Ipinapalabas ang Gamer’s Paradise kada Lunes, 8:30 p.m., sa mga opisyal na social channels ng ONE Esports, gaya ng FacebookTwitchYouTube, at AfreecaTV.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.