Matagumpay na dinepensahan ni Nathayos Sirigaya ang kanyang Toyota GR GT Cup Asia title sa isang dikit na panalo upang makuha ang ikalawang sunod na kampeonato para sa Thai racer. Sa kabila ng nag-iisang panalo sa apat na karera, consistency ang naging susi sa tagumpay para kay Sirigaya, sa pamamagitan ng mga strong finishes sa kabuuan ng event upang makakuha ng sapat na puntos na kanyang kailangan upang mauulit ang kanyang pagiging kampeon.

Malaki ang nakataya sa kumpetisyon ng taong ito, dahil hindi lang ang US$21,000 na prize money ang kanilang pinaglalabanan, kundi pati na rin ang pinag-aagawang pwesto sa TGR GT Cup Global Final 2022.

Sa taong ito, 20 na magkakatunggali mula sa pitong teams ang kumarera sa apat na tracks gamit ang iba’t ibang high-performance na kotse mula sa linya ng TOYOTA GAZOO, mula sa road-going GR Yaris, hanggang sa hybrid Le Mans winning sportscar na GR010.

Semi Final Race (Group A, B, at C)

Toyota GR GT Cup Asia 2022 Yaris

Sa semi final races ay nahati ang 20 karerista sa dalawang grupong may pitong tao, at isa namang may anim, sa kanilang pagkarera sa kahabaan ng iconic Fuji Speedway sa Japan gamit ang GR Yaris.

Bagama’t ang magtagal sa group stages at mag-qualify para sa mga final races ang pangunahing tumatakbo sa bawat utak ng mga manlalaro, naging magandang pagkakataon din ito upang makakuha ng mga mahahalagang puntos, at marami sa mga naglalakihang pangalan ang hindi nagpapigil.

Sina Andika Rama Maulana, Nathayos Sirigaya, at Muhammed Uzair ang ilan sa mga tournament favorites sa Group A, subalit isang strategic error ang naging dulot ng pagiging huli ni Uzair upang mag-qualify.

Maagang nag-pit si Rama upang magpalit ng mas mabilis na medium compound ng gulong, ang undercut at subsequent time gain ay nagbigay sa kanya ng sapat na oras upang mapanatili ang kanyang lamang kay Sirigaya, at sa isang pasugod na Russell Reyes, upang manalo sa unang semi-final. Samantala, naging matibay naman ang pwesto ni Uzair nang magtapos siya sa ikaapat na pwesto.

Sumunod naman ang group B, tampok dito ang nanalo sa huling Toyota GT Velocity championship na si Iqbal Suji, na nagkaroon ng magandang panimula na sinusundan ng surprise performer na si Pradana Yogotama.



Kabaligtaran ng kanyang mga kasabay, nagsimula si Suji gamit ang mediums sa halip na hards, at nagawang umarangkada sa unahan ng karera. Kinalaunan ay nag-pit si Suji para sa mas mabagal na gulong sa lap 7, at lumabas sa unahan ni Yogotama na naka-mediums. Gayunpaman, nagawa ni Yogotama na makalampas sa lap 9 upang kunin ang panalo.

Samantala, naging matindi ang laban sa pagitan ng ibang karerista, lalo na sa pagitan nina Jun Kim at Thanaphat Pungphat na ilang beses nagpalitan ng pwesto sa kahabaan ng lap, kung saan kinuha ni Pungphat ang ikatlong pwesto.



Sa Semi Final Race C, kabilang sa field ang tournament favorites na sina Taj Aiman ng Malaysia at Y. T. Chou ng Taiwan na nagtunggali mula sa simula na may isang intense na qualifying session kung saan makikitang kinuha ni Chou ang pole mula kay Aiman sa isang nakakagulat na 0.004, na nagin hudyat ng isang matinding laban para sa karerang ito.

Ang dalawang drivers ay gumamit ng magkaibang strategies kung saan si Aiman ay gumamit muna ng mediums at umasang mapanatili ang lamang, habang si Chou naman ay gumamit ng hards at umasa sa isang malakas na panapos.

Sa huli, nagawa ni Aiman na pigilan si Chou, na sinundan naman ni Pratama sa ikatlong pwesto.



Final Race Round 1

Toyota GR GT Cup Asia 2022 GR Supra

Sa pagtatapos ng mga Semi Final Races, oras na para sa Final Races upang mapagpasyahan kung sino ang magiging Toyota GR GT Cup Asia 2022 champion.

Ang unang karera ay naganap sa Circuit de Barcelona-Catalunya circuit, gamit ang GR Supra road car. Nakapasok ang mga competition favorites na sina Sirigaya at Aiman, subalit pareho silang tinalo ni Moreno Pratama para sa pole.

Nanatili ang pagkakasunod-sunod nila hanggang sa pitstop, kung saan naagaw ni Sirigaya ang lamang mula kay Aiman at pinanatili ang kanyang posisyon hanggang sa dulo ng karera, kung saan sinusundan sila ni Rama sa ikatlo.

Para naman kay Pratama, isang sawing-palad na pangyayari ang naganap habang nakikipaglaban siya sa mga kapwa Indonesian drivers na sina Rama at Yogotama, na nagtapos sa isang sakuna nang dahil sa isang pagkakamali mula kay Yogotama ang nagresulta sa isang banggaan na nagpatalsik sa kanilang dalawa sa paligsahan.



Isang 5-second penalty para kay Yogotama (na naging 6 dahil sa karagdagang 1-second shortcut penalty), ang nagpadala sa kanya papunta sa ikasampung pwesto.



Final Race Round 2

Toyota GR GT Cup Asia 2022 GR Supra GT4

Naganap ang Race 2 sa mapanghamon at basang Nürburgring, kung saan isang maliit na pagkakamali l

Naganap ang Race 2 sa mapanghamon at basang Nürburgring GP, kung saan isang maliit na pagkakamali lang ay malaki ang maaaring mawala. Ang kotse na napili para sa karerang ito ay ang GR Supra GT4, isang racing car na bagay sa ganitong kundisyon.

Mas lalong naging masama ang araw ni Yogotama dahil sa dami ng penalties na kanyang natanggap, kung kaya’t nabaon siya sa panghuling pwesto. Sa unahan naman, layunin ni Sirigaya na ipagpatuloy ang kanyang kahanga-hangang pagtakbo gamit ang pole, sa unahan nina Suji at Rama, at ang pares na pinaghiwalay ng hindi kapani-paniwalang 0.001 seconds sa isang 2-minute 15-second lap!



Maagang nag-pit si Suji upang makakuha ng malinis na hangin (at magandang visibility), isang magandang desisyon dahil lumabas ng pit ang lahat nang nasa likod niya. Isang matinding laban ang naganap sa kung saan hinarap ni Suji si Sirigaya sa paglabas niya ng pits, nagawa niyang pigilan ang kampeon sa huling dalawang laps upang kunin ang panalo. Katulad ito ng laban sa pagitan nina Rama at Aiman na nagtapos naman sa ikatlo at ikaapat na pwesto.

Matapos ang dalawang rounds, na may first at second-place finish, nangunguna si Sirgaya sa puntos patungo sa huling karera ng araw.

Final Race Round 3

Toyota GR GT Cup Asia 2022 GR010

Handa na ang entablado para sa isang showdown sa huling karera ng araw, na gaganapin sa Circuit de la Sarthe sakay ng Toyota GR010 Hybrid Hypercar. Sa laki ng pagkakaiba nito sa mga nakaraang ginamit nilang kotse, magiging pagsubok ito sa kakayahan ng mga magkakatunggali na maging maingat habang pinapanatili ang kanilang bilis.

Isang lap lang nag makukuha ng mga drivers upang mag-qualify, at dahil sa pagiging istrikto ng track limits ay magiging madali lang ang matanggal dahil sa penalty. Nakakagulat na wala maski isang competitor ang nakatanggap nito, at ang pole ay mapupunta kay Pungphat na nasa harap ni Chou.

Maagang nanguna si Chou dahil sa penalty na natanggap ni Pungphat at sa kawalan nito ng depensa mula sa mga sasakyang nasa likod niya.

Isang dikit na laban sa pagitan nina Pungphat at Aiman ang naging kapahamakan ni Pungphat, dahil nawala sa circuit ang Thai racer kasabay ng pag-asa niyang makamit ang tagumpay.



Kaliwa’t kanang pinamimigay ang mga penalties, malaking kabaligtaran ng pag-qualify, isa sa mga penalties na ito ang nagpaabante kay Rama upang malampasan si Sirigaya. Magiging mahalaga ito dahil nangunguna si Aiman gamit ang kanyang alternate strategy na unahing gamitin ang soft tires.

Nakuha naman ni Chou ang lamang, gamit ang conventional strategy na pagsisimula gamit ang mediums, nang mag-pit si Aiman sa dulo ng lap 4.


Lumabas si Aiman mula sa pits sa harap ng mga soft runners, ngunit dahil sa mediums ang gamit niya ay nangangahulugan itong mahina ang kanyang depensa sa mga atake mula sa likuran. Kinalaunan ay naunahan siya ni Rama, matapos ang dikdikan, ay nagawa rin siyang lampasan ni Sirigaya.


Mahusay ang pagmamaneho ni Chou na hindi natinag sa unahan ng karera, komportableng umaarangkada patungo sa tagumpay. Gayunpaman, sa ikatlong pwesto, alam ni Sirigaya na kinakailangan niya lang mapanatili ang kanyang posisyon upang makuha ang kampeonato, at ‘yun mismo ang ginawa niya, maingat na minaneho ang kanyang kotse hanggang sa dulo upang depensahan ang kanyang titulo.



Sa nakuha niyang 74 points, kinoronahan si Sirigaya bilang kampeon. Si Rama naman ay kinapos ng tatlong puntos na may 71 points sa ikalawang pwesto. Si Y. T. Chou, ang first runner-up noong 2021 ay nagtapos lamang sa ikatlong pwesto na may 67 points, sa kabila ng kanyang kahanga-hanagang pagtatapos sa Final Race Round 3.

Matapos manalo, sinabi ni Sirigaya sa ONE Esports, “Coming into this year’s event as a previous champion and winning the title back-to-back, you can imagine how big of a mountain I pushed off my chest. The last race was the only race I was worried about, and it was only during the last lap that I saw the light at the end of the tunnel. I thought I had lost the title until I realized the frontrunners were using a different strategy and that I still had a chance in the later stages of the race due to our tire advantage in the last laps.”

Team Malaysia

Ang susunod na hamon ni Sirigaya ay sa Toyota GR GT Cup Global Final 2022 na gaganapin sa Monaco, kung saan makakasama niya si Rama, pati na rin ang mga pinakamahuhusay na drivers mula sa iba’t ibang dako ng mundo, para sa dakilang karangalan sa GR GT Cup 2022.

“My goal is to just enjoy myself and do the best I possibly can,” sabi ni Sirigaya tungkol sa Global Final. “Whatever happens next will go down in the Gran Turismo history books as the first event on Gran Turismo 7 and in Monaco.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.