Isa sa mga paboritong playable Pokemon si Charizard sa Pokemon Unite.

Sa ngayon, si Charizard siguro ang pinakamahirap gamitin para sa isang baguhan dahil sa mahina nitong early game.

Bagamat medyo mahirap matutunan, narito ang ilang tips, tricks, at suggestions para maging gumaling kay Charizard sa Pokemon Unite.



Skills ni Charizard sa Pokemon Unite

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

Basic Attack

  • Tuloy-tuloy na magbubuga ng apoy si Charizard sa target na Pokemon.
  • Magdi-deal ng mas mataas na damage sa burned na Pokemon.
  • Tataas ang attack range sa tuwing mage-evolve si Charizard.

Passive Ability

  • ‘Pag kalahati na lang ang buhay o mas mababa pa ang buhay ni Charizard, taas ang critical-hit rate nito.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Basic Skill 1 — Flame Burst

  • Magbubuga ng maliit na fireball na sasabag at mag-a-apply ng burn ‘pag tumama sa kalabang Pkemon o ‘pag naabot ang maximum range.
  • Saglit na tataas ang movement speed ni Charizard pagkagamit niya sa move na ‘to.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Skill 1 Upgrade — Flamethrower

  • Magbubuga ng mahabang apoy na mag-a-apply ng brun sa lahat ng tatamaang Pokemon.
  • Saglit na tataas ang movement speed ni Charizard pagkagamit niya sa move na ‘to.
  • Upgrade: Palalakasin ang initial damage ng Flamethrower at ang damage mula sa burn.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Skill 1 Upgrade — Fire Punch

  • Susuntok si Charizard sa napiling direksyon, lahat ng tatamaang Pokemon ay matutulak sa harap at mabu-burn.
  • Upgrade: Mapapababa ang cooldown ng Fire Punch ng basic attacks.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Basic Skill 2 — Fire Spin

  • Magbubuga ng maliit na fireball na magiging lawa ng apoy sa lupa. Magbibigay ito ng tuloy-tuloy na damage at slow sa kung sino man ang tatayo dito.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Skill 2 Ugprade — Fire Blast

  • Mas malaki at mas nakakamatay na bersyon ng Fire Spin.
  • Upgrade: Patataasin ang damage ng move na ‘to.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Skill 2 Upgrade — Flare Blitz

  • Magcha-charge si Charizard at matutulak ang lahat ng Pokemon na matatamaan nito.
  • Magkakaroon si Charizard ng shield pagkagamit nito.
  • Upgrade: Ang mga Pokemon na matatamaan ng Flare Blitz at maii-slow.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot by Danelie Purdue/ONE Esports

Unite Move: Seismic Slam

  • Magkakaroon ng flying movement si Charizard at magiging unstoppable habang active ang Seismic Slam.
  • Lalakas ang basic attack damage nito at mag-a-apply ng burn sa mga Pokemon na tatamaan.
  • Mare-restore sa buhay ni Charizard ang damage na magagawa niya sa mga kalabang Pokemon.
  • ‘Pag ginamit ulit ang Seismic Slam sa kalapit na kalaban, hahablutin niya ito at ibabalibag sa lupa.
Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Bakit dapat piliin si Charizard sa Pokemon Unite?

Bilang isang all-rounder sa Pokemon Unite, ang above average stats at flexible na skill kit ay dalawa lamang sa malalaking dahilan kung bakit bagay ito sa karamihan ng mga laban.

Hindi siya nakakahon sa jungle o lane, dahil kaya niya ring mag-clear ng wild camps at mag-control ng chokepoints sa Pokemon Unite.

Mabisa siyang roamer lalo na kung makakakuha agad ng levels mula sa jungle rotation, at maganda rin siya ipang-secure ng objective Pokemon gaya ng Zapdos, salamat sa taglay nitong kakunatan at masakit na damage output.

May crowd control ang Fire Punch at Flare Blitz nito, pero pwede mo rin sunugin gamit ang Flamethrower at Fire Blast. Wala na ring makapipigil sa kanya pag gumamit ng Unite Move.


Pinakamagagandang held items para kay Charizard sa Pokemon Unite

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Energy Amplifier

Nakakatakot na siya pag-active ang kanyang Unite Move, pero lalo na ‘pag may Energy Amplifier na nagpapalakas pa ng total damage output ni Charizard sa unang apat na segundo ng Seismic Slam. Must-buy item ito kung gusto niyo ng damage-centric build.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Buddy Barrier

Dahil meron meron nang kakunatan ang Charizard, bagay dito ang ano mang bonus shielding, lalo na kung haharap ito parati sa mga bakbakan.

Ang item na ‘to, bukod pa sa bonus ng Unite Move, ay magbibigay sa kanya ng dagdag oportunidad para makapag-dive sa backlines ng kalaban dahil mas maraming damage na ang kaya niyang tangkihin.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Focus Band

Ibinabagay ito sa kanyang passive para bigyan siya ng pagkakataong makapalag kung manganib ang kanyang buhay. Mataas ang potensiyal ng item na ‘to lalo na sa mga mas experienced na players.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Muscle Band

Basic damage item ang Muscle Band na makatutulong para lalong sumakit ang damage ni Charizard sa kahabaan ng laban.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Float Stone

Ang bonus movement speed mula sa Float Stone ay magagamit sa pag-rotate para sa iba’t-ibang objectives gaya ng Dredaw, Rotom, Zapdos, at kahit last-minute scoring.

Magandang item ito para madaling makaselyo ng key points, lalo na’t 10 minuto lang ang itinatagal ng mga laban sa Pokemon Unite.


Pinakamagandang battle items para kay Charizard sa Pokemon Unite

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Eject Button

Dapat itong kunin sa 99% ng mga laban ni Charizard sa Pokemon Unite. Makatutulong ito sa kawalan niya ng mobility sa early game, para makalayo sa panganib o makahabol sa tumatakbong kalaban.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

X Speed

Alternatibong item kung wala pang Eject Button.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

X Attack

Kung maaari, piliin lang ang X Attack kung palalakasin ang opensa ng iyong Charizard.


Tips and tricks kay Charizard sa Pokemon Unite

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

1. Late game Pokemon si Charizard sa Pokemon Unite

‘Di tulad ng mga Pokemon na mabilis nag-e-evolve, late bloomer si Charizard sa Pokemon Unite. Maituturin siyang mahina hangga’t sa tuluyang mag-evolve. Mag-focus sa pagki-clear ng wild camps at pag-score ng points kung ligtas para makapag-level up agad.

2. Tumatama sa ibang kalaban ang basic attack ni Charizard sa Pokemon Unite

Full damage ang tumatama sa mga nasa range ng basic attack ni Charizard. Gamitin ito sa inyong advantage at ‘wag kalimutang pumwesto ng mas maayos para mas maraming tamaang kalaban. Gayun din ang kanyang basic attack habang Seismic Slam.

3. Tumagos sa pader gamit ang Fire Punch at Flare Blitz

Gamitin ang moves na ito ni Charizard para mas madaling makapag-gank o makaselyo ng goal. Ang mga terrain at walls kasi na kadalasang hindi nalalagpasan ay maaaring tagusan gamit ang Fire Punch at Flare Blitz, pero magagamit lang ito kung may malapit na target.

4. Mag-stack ng shield mula sa Flare Blitz at Seismic Slam

Dahil hindi siya pwedeng gumamit ng basic skills habang Siesmic Slam, gamitin ang Flare Blitz bago gamitin ang Unite Move. Ang bonus shield mula sa Flare Blitz at Seismic slam ay magpapatong para makatangke ng mas maraming damage sa team fights.


Pinakamagandang builds kay Charizard sa Pokemon Unite

Big dive build kay Charizard sa Pokemon Unite

Difficulty: Medium

  • Skills: Fire Punch + Flare Blitz
  • Held items: Buddy Barrier + Energy amplifier + Float Stone
  • Battle item: Eject button


Bagay ang build na ‘to kung gusto niyong maging aktibo sa mapa dahil kaya niyang magsimula ng laban gamit ang Fire Punch at makapag-sustain salamat sa Flare Blitz shield.

Pwera na lang kung pang-early game ang kalaban gaya ng Zeraora na kailangan ng jungle, mas okay kung ang Charizard ang kukuha ng parehong jungle buffs sa simula at mag-farm sa wild camps hangga’t sa makuha ang Fire Punch.

‘Pag meron na, dumalaw sa isa sa mga lanes para makapitas.

Malaki ang gagampanan mong trabaho para ma-control ang mga kalabang Pokemon sa mga laban para kina Drednaw at Zapdos, dahil tiyak na magkukumpulan ang mga ito. Magsilbing balakid para hindi maabot ng mga kalabang Pokemon ang iyong mga kakampi. Hangga’t maaari, unahin ang malalambot na kalaban sa likod.

Alalahanin lang na tatangke ka ng damage para lang makalapit sa target, kaya’t iwasan ang makukunat na kalaban na kayang maka-survive sa iyong combo.

Mag-ikot sa mapa para maka-knock out ng malalambot na kalaban kahit pa may pangtakas ang mga ito. Iilan lang ang kayang mabuhay sa agresibong Charizard sa Pokemon Unite.



Pure damage build kay Charizard sa Pokemon Unite

Difficulty: Hard

  • Skills: Flamethrower + Fire Blast
  • Held items: Buddy Barrier + Focus Band + Muscle Band o Energy Amplifier
  • Battle item: Eject Button o X Attack

Ang Pokemon Unite build na ito ay nakasentro sa pagbigay ng pinakamalaking damage mula sa kalayuan.

Kung hindi maibibigay ang jungle sayo, pwedeng sa Drednaw lane para makapag-farm hangga’t sa mag-spawn ang Drednaw. Maging agresibo lang kung alam mong mape-pressure ang iyong katapat.

Pag labas ng Drednaw, ang iyong role ay kontrolin ang laban gamit ang Fire Spins o Fire Blasts. Ang damage over time at slow ay makatutulong para mahirapang makatakbo ang mga kalaban. ‘Wag kalimutang tyaniin ang kanilang buhay mula sa malayo gamit ang Flamethrower.

Magpatuloy sa pag-clear ng Pokemon camps, pero manatiling malapit sa iyong mga kakampi, lalo na’t walang hard disable ang build na ‘to bukod sa Seismic Slam, na hindi rin namang basta-basta lang ginagamit. Makipagtulungan sa mga kakampi para makapag-set up ng knockouts.

Pag-spawn ng Zapdos, ulitin lang ang ginawa noong sa Drednaw. Gamitin ang Fire Blast sa chokepoints o sa stunned na Pokemon at itaboy ang mga kalaban gamit ang Flamethrower.


Pinakamagagandang Pokemon na pwedeng i-combo kay Charizard sa Pokemon Unite

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Snorlax

Perpektong tandem sina Snorlax at Charizard sa Pokemon Unite. Wala kasing sagot si Charizard pag na-kite, kaya’t si Snorlax ang bahala dito.

Kaya nitong tumangke ng damage, at nakatutulong din si Snorlax para makapag-set up ng knock outs salamat sa kanyang slow at sleep habang nililihis ang atensyon mula sa kanyang mga kakampi papunta sa kanya.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Eldegoss

Sino ba namang tatanggi sa heal?

Solid kasama sa lane ng Charizard si Eldegoss lalo na kung Charmander pa lang ito. Healing, shield, slow, ano man ‘yan, meron si Eldegoss niyan. Bagamat wala itong gaanong opensa, siya naman ang bahala para ma-enable ang isang Charizard, gaano man kahirap ang laban.

‘Wag maliitin ang Eldegoss, ang pinaka-cute kadalasan ang pinakamakamandag.

Guide kay Charizard sa Pokemon Unite: Builds, moveset, items, tips at tricks
Credit: Nintendo

Wigglytuff

Isa pang support Pokemon sa listahan, hinahayaan din ni Wigglytuff na maging mas agresibo si Charizard dahil sa kanyang skill kit.

Magagamit ang Sing para tuluyan itong ma-knock out ni Charizard, habang ang Unite Move naman nito ay maaaring magamit para masalba si Charizard kung sakaling maipit ito sa mga laban para sa objective.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 counter kay Charizard sa Pokemon Unite