Magko-collaborate ang Kpop girl group na ITZY at Pokemon, at ang unang proyekto nila kasama ang Japanese media franchise ay para sa pinakabagong laro na Pokemon Legends: Arceus.
Tampok ang ITZY sa mga commercial, behind-the-scene video, at TikTok video simula sa ikasiyam ng Pebrero.
Pasok din sa collaboration ang comeback single ng grupo na WANNABE.
Bukod sa Pokemon Legends: Arceus, kinumpirma rin ng Ninetendo franchise na magiging parte rin ang ITZY sa ilang proyekto gaya ng Pokemon Trading Card Game at ang mobile MOBA game nilang Pokemon Unite.
ITZY at Pokemon collaboration: Ang paboritong Pokemon at Pokemon memories ng members
Hindi naman napigilan ng mga miyembro na ibahagi ang kanilang excitement sa collaboration, lalo na sina Yeji at Yuna na fans na ng Pokemon simula pagkabata.
Samantala, ibinunyag naman ni Lia ang kanyang bias sa mga Pokemon habang nagshu-shoot para sa proyekto:
“I liked Snorlax. I fell in love with the carm of Eevee while filming this time,” ani Lia sa isang opisyal na interview.
(Nagustuhan ko si Snorlax. Na-in love ako kay Eevee habang nagfi-film ngayon.)
Si Eevee rin ang isinagot ni Chaeryong dahil maganda raw ang mata nito.
Para naman sa paborito nilang Pokemon memories, parte raw ng araw-araw na routine ni Lia ang panoorin ang TV series nito noong siya ay bata pa.
Ibinunyag din ni Ryujin na napapagalitan siya noong bata pa siya ng kanyang mga magulang dahil sa pagbababad niya sa laro.
Hindi ito ang unang beses na nakipag-collaborate ang Nintendo sa mga music artists. Kamakailan lang ay nag-host ang kumpanya ng Unite AKB48 Invitational at nakipag-team up din sila sa isa pang JYP Entertainment girl group na Twice para sa isang Nintendo Switch commercial.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Maaari gamitan ng baril si Pikachu sa fan-made Pokémon FPS game na ito