Pwede na tayong matuto mula sa Sentinels superstar player na si Tyson “TenZ” Ngo at pagandahin ang ating Valorant warm-up routine gamit ang kanyang bagong Aim Lab VCT 2022 task.
Nakipagsanib-pwersa ang Valorant player sa Aim Lab upang mabuo ang bagong aim trainer task na tutulong sa mga players na pagandahin ang kanilang tutok bago sumabak sa mga ranked games.
Ang bagong Valorant warm-up Aim Lab VCT 2022 task ni Sentinel TenZ
Sa halip na magpunta sa range o mag-queue sa paulit-ulit na deathmatch mode, maaaring maghanda ang mga players para sa kanilang mga games gamit ang bagong Aim Lab routine ni TenZ.
Kailangang barilin ng mga players ang mga bilog na targets, na may iba’t ibang posisyon, na papalapit sa kanila. Matatapos ang task pag may tatlong targets na nakalampas sa player nang hindi tinatamaan.
Layunin ng routine na ito na gayahin ang mga high-pressure situations at mahihirap na senaryo na nagdudulot ng pagkataranta ng mga players.
“I wanted to simulate that panic into a game mode, so [players] can practice being chill, calm, and precise,” paliwanag ni TenZ.
Sinubukan nya ang task sa kanyang stream at nakapagtala sya ng 61,230 points na may 89.57% accuracy.
Gumawa ang Aim Lab ng marami pang aim trainer tasks kasama ang mga Valorant pros tulad nina Mehmet “cNed” İpek ng Acend, Adil “ScreaM” Benrlitom ng Team Liquid, Alexander “xander” Lopez ng Six Karma, Jaccob “yay” Whiteaker ng OpTic Gaming, at Francisco “kiNgg” Aravena ng Leviatan. Ang lahat nang tasks na ito ay maaaring gamitin upang ma-improve ang laro ng isang player.
Maaari ka ring manalo ng mga astig na prizes sa paglalaro ng alin man sa mga pro VCT tasks mula February 11 hanggang 25. Ang Aim Lab ay isang free-to-play game na maaaring ma-download sa Steam.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.