Si Clint ang isa sa mga paboritong heroes na ginagamit sa rank games, kahit na sa competitive scene. Pero sa nagdaang unang linggo ng MPL ID S9, walang ipinanalong maski isang game ang West Justice.
Magmula nung inilabas ng Moonton ang patch 1.6.26 noong October 2021, ang adjustment na ibinigay sa passive skill ni Clint na Double Shot, mula 135% Total Physical Attack na naging 100 + 120% Total Physical Attack, tumaas ang popularidad ng hero na ito lalo na sa Gold Lane.
Marami rin ang naniniwala na ang adjustment na ginawa sa passive skill ni Clint ay nagbigay ng napakasakit na damage mula sa hero lalo na sa early games.
Sa kahabaan ng week 1 ng MPL ID S9, isa si Clint sa mga pinakapopular na heroes na pinipili ng mga pro players. Ang marksman na ito ay na-pick nang anim na beses sa loob ng 17 games.
Sa kasamaang-palad, laging nauuwi si Clint sa talunang team sa week 1 ng MPL ID S9. Sina Schwann (3x), Matt, B1RUL, at Kabuki na gumamit sa hero na ito ay nabigong tulungan ang kanilang team na kunin ang panalo.
Pasok pa rin ba sa meta si Clint?
Sa win rate na 0% sa unang linggo ng MPL ID S9, marami sa community ang magtatanong kung pasok pa rin ba sa kasalukuyang meta si Clint. Subalit hindi ito dapat maging basehan ng kanyang pagiging epektibo sa meta.
Sa pick rate p[[a lang ni Clint sa MPL ID S9, makikitang karapatdapat pa rin ang marksman hero na maging mainstay sa lahat nang levels, pati na sa competitive scene. Kung hindi ay hindi magiging ganyan katas ang kanyang pick rate.
Subalit marami na ring kalaban si Clint bilang option sa gold lane. Ang ibang mga sikat na heros tulad nila Beatrix, Popol and Kupa, Brody, at maging sina Lylia at Cecilion ay maaaring gamitin sa posisyon na ito pamalit kay Clint.
Ngunit sa kabila ng lahat, kabilang na ang pinakahuling February patch update na kalalabas lang, mukhang mananatili si Clint bilang mainstay ng maraming pro players na goldlaner. Pinaniniwalaan ding mas tataas pa ang pick rate nya sa MPL ID S9.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.