Ilang araw na lang ay iaanunsyo na ang mga games na makakasali sa Evo 2022, ngunit maagang inihayag ng mga organizers na hindi makakasama ang Super Smash Bros.

Matapos sabihing ilalabas nila ang buong lineup ng mga games na paglalabanan sa Evo 2022 sa isang Twitch livestream sa March 8, pinangunahan na ng mga organizers ang mga tanong kung bakit hindi makakasama ang Super Smash Bros. sa pinakamalaking fighting game event.

 “We want to let you know in advance that Super Smash Bros. will not be making a return appearance,” ayon sa opisyal na pahayag ng Evo. “Since 2007, we’ve seen historic Super Smash Bros. moments created at Evo’s events. We are saddened that Nintendo has chosen not to continue that legacy with us this year.”

Naging malaking bahagi ng Evo ang Super Smash Bros. nang mahigit isang dekada. Ang Melee, Brawl, Wii U, at Ultimate ay nagkaron ng partisipasyon sa pagbigay ng mga makasaysayang matches at epic moments kasama ng ibang game series tulad ng Street Fighter at Tekken.

Noong March 2021, inanunsyo ng Sony ang pagbili nito sa Evo. Noong November naman ay nag-anunsyo ang Nintendo makikipag-partner ito sa Panda Global upang lumikha ng sarili nitong Smash Bros. competitive circuit, bagama’t wala pang inilalabas na detalye ukol dito.

Super Smash Bros Sora Sephiroth
Credit: Nintendo

Sa Evo 2022 sana unang maitatampok ang kumpletong roster ng Super Smash Bros. Ultimate matapos mailabas ang lahat nang downloadable characters nito. Tatlong taon matapos ang release ng game, inilahad noong October na ang bida ng Kingdom Hearts na si Sora ang ika-86 at huling character ng platform fighter.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.