Ang pinakabagong handheld gaming console ng Valve, ang Steam Deck, ay inilabas na at available na para sa lahat nang gamers.Ito ay isang handheld device na kamukha ng Nintendo Switch, ngunit kaya nitong mag-run ng mag higit na graphic-intensive games na mula sa Steam store. Ang tingin ng designer na si Lawrence Yang sa Steam Deck ay isang maliit na PC na may nakakabit na controllers.

May inihandang espesyal na surpresa ang Valve co-founder at president na si Gabe Newell para sa mga maswerteng customers na nag-reserve ng first batch ng console.

Panoorin si Gabe Newell na personal na i-deliver ang unang batch ng Steam Decks

Valve Gabe Newell Steam Deck
Credit: Valve

Kasama ng Dota 2 host na si Kaci Aitchison, naglibot si Gabe sa mga bahay-bahay sa Seattle, Washington upang i-deliver ang ilang mga kahon ng Steam console. Ilan sa mga fans ay na-starstruck nang makita nila ang legendary Steam video game developer sa pintuan ng kanilang bahay, upang i-deliver ang pinakahihintay nilang gaming device.

Naambunan din ng swerte ni Lord Gaben ang ilan sa mga random bystanders ng Seattle, dahlia namigay sya ng tatlong brand new Steam Decks sa ilang mga taong nakita nya sa area.

Sa isang pakikipag-usap nya sa mga fans, nabanggit nyang madalas syang naglalaro ng Final Fantasy XIV sa Deck at sinusubukang i-level up ang kanyang White Mage.

Medyo naging nostalgic si Gaben habang nagde-deliver at ibinahagi kay Kaci ang kanyang mga naging karanasan sa dati nyang trabaho bilang paperboy at telegram delivery boy.

“Overall, (this experience) is sort of bringing me back to my days as a Western Union telegram delivery boy,” natatawa nyang kinwento.

At dahil sya si Gaben, ibinigay ng developer ang kanyang official email address sa mga bagong owners ng Deck upang mangalap ng feedback tungkol sa pinakabagong produkto ng kompanya.

Sumasagot ba sa mga emails si Gabe Newell?

Gabe Newell
Credit: Valve

Ang email address ni Gabe Newell ay gaben@valvesoftware.com, na nakakatanggap ng mula isandaan hanggang sa ilang libong emails bawat araw ayon sa co-founder mismo. At oo, binabasa lahat ito ni Gaben at sinasagot pa nga ang ilan.

“That sort of keeps you super grounded, right,” sabi nya kay Kaci. “You know what people are actually thinking, what’s actually important to them.”

Mapapanood ng mga fans ang buong delivery adventure ni Gaben dito:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.