Kung sinsubaybayan mo ang mga esports tulad ng Dota 2 at CS:GO, pamilyar ka siguro sa Ukrainian organziation na NAVI.
Dito nagmula ang mga winners ng kauna-unahang The International at dito rin nanggaling ang iilan sa pinakamahuasy na players ng Counter-Strike, ipinakilala ng organisasyon na ito ang mga best CIS talent sa loob ng 12 na taon, tulad nina Dota 2 legend “Danil “Dendi” Ishutin at CS:GO talent na si Oleksandr “s1mple” Kostyliev.
Noong sinakop ng Russia ang Ukraine, agad na tinawag ang mga kalalakihan para ipagtanggol ang bansa. Isa na sa mga sumagot sa tawag ay ang founder ng NAVI na si Oleksandr “ZeroGravity” Kokhanovskyi.
Boardroom to battlefield para sa NAVI founder na si ZeroGravity
Isang Counter-Strike 1.6 pro sa mga unang taon ng 2000s, ginamit ng Ukrainian ang kaniyang kaalaman sa esports at itinayo ang Natus Vincere noong 2009. Nagsilbi siyang manager at CEO hanggang 2017, at tinulungan niyang gawing isa sa mga premier CIS esports organizations ang Natus Vincere. Sa simula ng 2017, bumaba siya sa posisyon para sumali sa board of directors nito.
Simuna noon, sumali siya sa mga proyekto na labas ng organisasyon, tulad ng pagbukas ng unang esports hotel ng mundo sa Kyiv. Pero siya pa din ang tinuturing tatay ng Natus Vincere.
“12 years ago ZeroGravity founded NAVI and now he’s defending our country,” sinabi ng Ukrainian organization sa isang binurang tweet. “The times they are a-changin’.” Hindi malinaw kung bakit binura ang tweet.
Nagpundar ng evacuation at humanitarian aid fundraiser para sa Ukraine ang NAVI founder
Sa isang Facebook post, sinulat ng dating CS pro ang kaniyang mga kaisipan tungkol sa sitwasyon at nagbigay pansin sa totoong nangyayari sa kaniyang bansa.
“Unfortunately, now my experience in business, management, leadership, and also as a team captain in Counter-Strike will have to move to the real battlefield,” sinulat niya.
Humingi rin siya ng humanitarian aid at funding sa pamamagitan ng mga accounts na ginawa para sa relief efforts.
Dagdag pa diyan, binigyan linaw niya ang mga lugar na nangangailangan ng tulong at humanitarian assistance missions para sa mga residente ng hot spots at frontline military units, medical assistance, evacuation vehicles, at protective gear para sa mga sundalo.
Sinabi ng Natus Vincerer founder na siya mismo ang magaayos ng lahat ng mga missions at magiging parte siya ng pagpapatupad ng mga ito.
Basahin ang Facebook post niya dito.