Matapos makatanggap ng mga buffs ni Ryu sa nakaraang SFV Defenitive Edition update, tila hindi pa rin kumbinsido ang legendary pro player na si Daigo Umehara sa pagiging viable ng iconic Shoto.
Bagama’t masyado pang maaga para sa bagong meta, maraming fans ang natuwa at nasasabik sa pagbabalik sa competitive scene ng isa sa mga pinakasikat na characters ng Street Fighter franchise. Ngunit hindi kabilang dito si Umehara.
“Things that Ryu is bad at already, or things that could’ve made him more interesting. These things weren’t changed for him,” sabi ni Daigo sa kanyang stream. “That’s why I don’t really want to play him.”
“Only if they made his heavy fireball way more faster or something,” patuloy ng pro player. “As fast as Luke, so that it’s hard to punish it. That could’ve changed him completely.”
Isa sa mga buffs na natanggap ni Ryu sa Definitiive Edition update ay ang pinalakas na damage ng kanyang anti-air. Dahil dito ay magdadalawang-isip na ang mga kalaban na tumalon, na kung iisipin ay makakapagpaganda ng zoning game ni Ryu.
Sa video, dinetalye ng The Beast kung bakit hindi masyadong makakatulong sa gameplay ni Ryu ang pagbabagong ito. Idiniin din niya na mas malaki ang problema ni Ryu kontra sa mga anti-projectile tools kumpara sa mga jump ins.
“People got excited for the damage from light Dragon Punch, but there’s no need to jump. You can just use V-Shift or another move to punish his fireball.”
“That’s the trap. His anti-air got buffed when there’s no need for the opponent to jump. That’s not what he needed. He needed something against anti-projectile moves. Why did his anti-air get buffed when he’s having trouble due to V-Shift and anti-projectile moves?”
Daigo Umehara nagpaalam na sa paggamit ng Ryu
Sa kabila ng pagiging isa sa mga popular na fighters online, nahirapan talaga ang mga Ryu mains sa kabuuan ng Street Fighter V pagkatapos ng una nitong season. At bagama’t nakatanggap ito ng ilang buffs para sa SFV Definitive Edition update, hindi pa rin kumbinsido si Umehara upang magbalik loob sa Shoto character.
Nagsalita na rin si Umehara na hindi na siya gagamit ng Ryu matapos ang Definitive Edition update, at mukhang magpapatuloy na lang siya sa maggamit ng Guile o baka naman ay lumipat kay Luke kung wala nang magbabago sa Street Fighter V.
“I think I’m done with Ryu, at least in Street Fighter 5. I’ve given up,” pahayag ng pro player. “I’ve given up on him in this version. I’m just like ‘goodbye.'”
Sa ngayon ay sina Luke at Ryu pa lang ang mga characters na sigurado para sa Street Fighter 6.
Panoorin ang kabuuan ng video ng FGC Translated dito.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.