Nagsisimula nang bumalik ang mga onsite events matapos ang ilang taong pagpigil ng COVID-19 pandemic. At bilang isa sa mga kilalang events na inaabangang taon-taon, tuloy na tuloy na ang Pinoy Gaming Festival 2022 (PGF 2022).
Ano bang mga pwedeng gawin sa PGF 2022?
Maraming iba’t ibang activities ang naghihintay para sa lahat nang dadalo kung saan maaari manalo ng mga premyo mula sa maraming brands na bahagi ng event, gaya ng Tencent, Acer, JBL, Realme, at BraZen.
Para sa mga fighting game fans, meron ding Tekken 7 at Guilty Gear Strive tournament sa Road to REV Major hatid ng Cyberzone at GG Truck.
Magkakaron din ng Tower of Fantasy (TOF) Experience Zone para sa mga fans ng pinakabagong MMORPG mula sa Tencent. Makikita rin sa PGF 2022 ang mga paborito niyong content creators at pro players mula sa Rumble Royale.
Ang Pinoy Gaming Festival 2022 ay gaganapin sa August 20-21, sa Music Hall ng SM Mall of Asia. Mapapanood din ito nang live sa opisyal na Facebook page ng PGF.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.