Masasabing isa sa mga OG characters ng Tekken series si Paul Phoenix, at isa sa mga popular na grappling techniques nya ay ang Ultimate Tackle.

Ano ang Ultimate Tackle?

Ang Ultimate Tackle ay isang grappling move na ginagamit nina Paul Phoenix, Kazuya Mishima, King, at Devil Jin sa Tekken 7. Ang command nito ay d/b+1+2, ngunit sa kaso ni King, kelangan itong gawin mula sa full crouch position.

Tekken Paul Ultimate Tackle Ultimate Punishment
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Kapag tumama ang move, mapupunta ang user sa Tackle position. Halos kapareho ito ng generic running tackle na meron ang lahat ng characters, ang pagkakaiba nga lang ay ginagawa ang Ultimate Tackle mula sa standing position at hindi na kelangan pang tumakbo.

Sa article na ito ay ituturo namin ang mga options ni Paul sa Ultimate Tackle at kung paano ito takasan.

Paano takasan ang Ultimate Tackle ni Paul

Initial Tackle

Tekken Paul Ultimate Tackle Escape
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Pag tumama ang Ultimate Tackle, may dalawang windows na pwede itong takas an bago pa makarating sa Tackle position.

Sa intial hit, pindutin ang Right Punch (2) upang hawiin ng character mo ang tackle attempt ni paul. Kung sakaling hindi mo ito matakasan, pwede mong pindutin nang sabay ang Left at Right Punch (1+2) pag tama ng likod ng iyong character sa sahig upang ma-reverse ito at ang character mo ang mapupunta sa ibabaw ng Tackle position.

Tackle to Left Punch

Tekken Paul Ultimate Tackle Left Punch
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Kung ang magbabato ng Left Punch ang kalaban mula sa Tackle position, pwede itong salagin gamit ang iyong Right Punch (2). Tandaan na ang first at fourth punches lamang ang pwedeng salagin.

Tackle to Right Punch

Tekken Paul Ultimate Tackle Right Punch
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Kabaligtaran naman ang takas kung pipiliin ng kalaban na magbato ng Right Punch, pindutin ang Left Punch (1) upang masalag ito. Gaya ng nabanggit sa itaas, ang first at fourth punches lamang ang pwedeng salagin.

Tackle to Arm Breaker

Tekken Paul Ultimate Tackle Arm Breaker
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang Arm Breaker ay pwedeng gawin sa simula ng Tackle o pagkatapos ng tatlong punches. Para matakasan ito, pindutin ang 1+2,2,2,2,2.

Pro Tip: Dahil sa buffer mechanics ng Tekken 7, pwedeng i-mash ang 1+2 nang paulit-ulit at magre-register pa rin ang escape input.

Tackle to Ultimate Punishment

Tekken Paul Ultimate Tackle Ultimate Punishment
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang Ultimate Punishment ang pinakamalakas na option ni Paul mula sa Tackle position, at ang nakakatakot na parte dito ay wala itong kalas. Subalit may paraan upang maiwasan ito, kelangan lang na masalag ang initial Right Punch ni Paul bago gawin ang Ultimate Punishment at sa pamamagitan ng pagpindot ng Left Punch (1).

Para sa iba pang gaming guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.