Ilang sandal na lamang ay magbubukas na ang pinaka-prestihiyosong Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Southeast Asia, ang MSC 2022. Sa nasabing liga, magtatapat ang ilan sa pinakamahuhusay na teams sa rehiyon sa Kuala Lumpur, Malaysia para kuhanin ang pinakamalaking bahagi ng US$300,000 prize pool.

Bago magsimula ang patimpalak, ibinahagi ng sikat na MLBB caster at analyst na si Arwanto “Om Wawa” Tanumiharja ang kaniyang MSC 2022 power rankings kung saan inilista niya ang ilan sa mga dapat antabayanan para sa paparating na bakbakan.

Maaaring gawing gabay ito para makilahok sa ONE Esports MSC 2022 Fantasy Challenge kung saan maaaring manalo ng hanggang 40,000 MLBB Diamonds!


MSC 2022 Power Rankings ayon kay Om Wawa

8. Falcon Esports (Myanmar)

Credit: Falcon Esports

Ang MSC 2022 ang magmamarka ng pagbabalik ng Myanmar sa competitive scene ng MLBB. Kung babalikan ang kanilang performances sa international eksena ay maganda ang track record ng teams galing Myanmar. Ginulantang ng Burmese Ghouls ang mundo ng sumali sila sa M2 World Championship kung saan naabot pa nila ang Grand Finals.

Sa pagkakataong ito, Falcon Esports naman ang babandera para sa bansa bagamat binubuo pa rin ng ilang ex-members ng Burmese Ghouls. Bagamat magiging pagsubok sa kanila ang lumabas na fighter/tank meta dahil kilala sila sa hindi pagsunod sa metaplay, ay maasaang susurpresahin nila ang makakalabang teams gamit ang kanilang mga unique picks na kadalasan ay kanilang secret weapon.

Player to watch: Kenn


7. EVOS SG (Singapore)

Credit: EVOS SG

Nagsimula na ang EVOS na ipakita ang bagong mukha ng kanilang franchise, kasabay ng pagbabago ng roles ng ibang players partikular na si Gear na dating EXP laner na ngayon ay jungler na. Kung iisiping maigi ay maganda ang meta na ito para sa EVOS SG dahil batak si Gear sa paggamit ng heroes na meta ngayon sa jungle.

Kung babalikan din ang performance ng team sa SEA Games sa Vietnam, malaki din ang potensyial ni Adammir na kumamada sa gold lane. May rason kung bakit siya ang sinasabing pinakamahusay na gold laner sa SG. Kung magagawa ni Adammir na pumutok kasabay ng magilas na plays ni JPL ay siguradong malayo ang mararating ng team sa MSC 2022.

Player to watch: Adammir


6. RSG SG (Singapore)

Credit: RSG SG

Sa MSC 2022 power rankings na ito, ito ang masasabing dark horse ng grupo. Maraming hindi matantiya ang lakas ng koponan dahil sa patuloy na pagbabago ng meta ngunit hindi maitatanggi na malalim ang pagkakaintindi ng team dito dahil kay Saint del Lucas (SDL) na dating tactician ng Aerowolf. 

Mababalikan na si SDL ang coach na gumapi at nagpauwi sa matibay na RRQ Hoshi team noong MPL ID Season 7. Habang si Clay na isa ngayong star sa RRQ ay isa ring estudyante ng beteranong coach.

Nakaktuwang panoorin ang playstyle ng RSG SG na naka-angkla sa unang limang minute ng laro. Ekspolisibo at agresibo ang galawan ng team dala na rin ng gilas ni Diabol na madalas tumulong sa turtle setups sa EXP lane.

Player to watch: Diablo


5. Todak (Malaysia)

Credit: Moonton

Ang trio nina Ciku, 4meys at Momo ang muli nanamang magtataguyod sa Todak gaya ng mga nakalipas nilang international events. Bagamat hindi namukod-tangi sa international performances ay sila ang isa sa mga teams na mahirap hulaan dahil sa kanialng hilig magsalang ng unique drafts, gayundin ang role shifts.

Mapapansin ang minsanang pagpapalit ng roles ni CIku at 4meys na hit-or-miss para sa kanilang team. Ang isa pang dapat isaalang-alang ng team ang kanilang rotation sa pangunguna ni Yums. Kaya ba niyang bigyan ng magandang setups ang Todak gaya ng ginawa ni Xorn sa SEA Games?

Gayunpaman, ang experience ng Todak ang siyang naglagay sa kanila bilang 5th sa MSC 2022 Power Rankings na ito. Bukod sa sila ang may home court advantage dahil sa Kuala Lumpur gaganapin ang nasabing event.

Players to Watch: Ciku – 4Meys


4. ONIC Esports (Indonesia)

Credit: ONIC Esports

Mabibigyan muli ng pagkakataong magningning si Sanz ngayong MSC pagkatapos maglaro bilang midlaner sa SEA Games, taliwas sa kaniyang jungler role para sa ONIC Esports.

Malaking tanong kung magagawa ba niya na mapagana ang tank heroes katulad ng Akai sa jungler role. Kahit pa ganoon ay isa ang Yellow Hedgehog team sa pinakamahirap na makalaban sa drafting phase dahil swabe ang galaw at hero pool ng bawat isa sa kanilang players.

Kinakailangan na lamang na maseguro nina Butss at CW ang kanilang lanes. Mababalikan na noong MPL ID S9, nahirapan sa meta si Butss kung saan madalas na isinasalang ang Gunevere at Dyroth para sa kaniya na malayo sa tipikal niyang tanky offlanes. Kaya nasa 4th position ang ONIC Esports sa MSC 2022 power rankings ni Om Wawa ay dahil madalas na kinakapos ang team sa international stage.

Player to watch: Sanz


3. Omega (Philippines)

Credit: MPL PH

Malakas man ang overall performance ng Smart Omega, malaking palaisipan daw kung kaya nilang mapanatili ang kanilang lower bracket grind (gaya ng ginawa nila noong MPL PH S9) sa hinaharap.

Kasama pa rin ng taem ang mga players na nakasungkit ng MSC 2021 korona (galing Execration) at ito ang dadalhin nila sa paparating na MSC 2022. Kung pag-uusapan ang koponan ng Omega, si Kelra ang unang papasok sa isipan. Pamatay ang kaniyang Beatrix, at kahit pa hindi nakakadarang ang kaniyang Average Kills at KDA stats sa MPL PH S9 ay malaki ang kayang iambag ng gold laner lalo na kung consistent ang kaniyang play.

Sa late game nagniningning ang gold laner ng Omega partikular na kapag hawak ang Beatrix. Gayunpaman, nawawala sa hulog ang team kapag hindi ang marksman hero ang hawak niya kaya naman nahulog sila kontra RSG PH sa grand final.

Player to watch: Kelra


2. RRQ Hoshi (Indonesia)

Credit: MPL ID

Dala ng RRQ Hoshi ang buong lakas nila sa MSC 2022 matapos ipanalo ang MPL ID Season 9. Papangunahan nina R7 at Skylar ang grupo na inaasahang tatapatan ang lakas ng Pilipinas.

Hindi lamang dahil sa players kung bakit ganoon na lamang ang tindig ng RRQ. Malaking parte rin ang ginagampanan ni Coach Fiel para sa team na magilas na nagsasalang ng draft. Sa pagpasok ng bagong patch ay malaki ang inaasahan ng mga miron sa Kings of Kings sa kung ano ang kaya nilang ilabas na bago sa international patimpalak.

Palaisipan din kung maglalaro si Lemon para sa team. Sa kabilang banda, malaki ang respeto ng mga teams as kayang ilabas ni Alberttt at patunay ang nakalipas na SEA Games MLBB Event dito. Sila ang pangalawa sa pinakamalakas na team sa MSC 2022 power ranking na ito.

Player to watch: R7


1. RSG PH (Philippines)

Credit: RSG PH

Mula King Slayers, ngayon ay Kings na ng MPL Philippines. Sa nakalipas na Season 9, nagpakitang-gilas si Nathzz na hinirang bilang MVP ng Grand Finals. At hindi ito kagulat-gulat dahil malaki ang ginampanan ni Nathz sa turtle setups gayundin sa tempo ng laro. Kaya, ganoon na lang din ang tagumpay na narating ng RSG Philippines.

Ang pinakahihintay ng lahat ay kung kaya bang sumabay ni Demonkite sa meta at sa mga kasing-gilas niyang junglers sa international stage. Kung magagawa ito ng RSG jungler at maging kumportable sa stage ay maasahang sila ang makakasungkit ng kampeonato ng MSC 2022.

Player to watch: Nathzz


Heto ang MSC 2022 power rankings ni Om Wawa, at ilan sa mga eksplanasyon kung bakit ito ang pagkakasunod-sunod ng teams. Sumasang-ayon ba kayo sa order ng rankings na ito? Lumahok sa ONE Esports MSC 2022 Fantasy Challenge at ilista ang inyong sariling MSC 2022 power rankings!

BASAHIN: MSC 2022 power rankings: RSG PH ang team na dapat antabayanan