Kahit pa umani ng maraming masasamang komento ang bagong lineup ng ONIC Philippines, ka’y ganda ng pasok ng rookie team na ‘to sa liga. Dumating sa puntong sila pa nga ang Top 1 sa mga standings. Heto ang mga nakaraang laban ng Onic Philippines sa kanilang kampanya bago ang Week 8.

Week 7 Day 2: ONIC Phillippines 1-2 TNC

Nakilala ang koponan ng Smart Omega sa kanilang bangis sa magugulong team fights, tapang sa mga shotcall, at ang karga nilang lason pagdako ng late game. Ngunit kontra ONIC Philippines sa Week 7 Day 2 series ng MPL Philippines Season 10, ipinakita ng Baranggay ang ibang dimensyon ng kanilang laro. Basahin: Ganito kalinis ang laro ni Kelra na tumulong sa Smart Omega mapatumba ang ONIC PH

Week 7 Day 1: ONIC PHILIPPINES 0-2 Omega

Bumida si star roamer Joshua “Ch4knu” Mangilog sa kanyang signature Grock para mapadapa muli ng Smart Omega ang Nexplay EVOS, 2-1, at maselyo ang kanilang pwesto sa playoffs ng MPL PH S10.

Isang malupit na setup play mula kay “Chakmamba” ang nagbigay-daan upang matuldukan ng Barangay Omega ang reverse sweep sa napakaimportanteng serye para sa parehong koponan.

Basahin: Panoorin ang Grock play ni Ch4knu na nagdala sa OMG papuntang playoffs at lalong nagpalabo sa pag-asa ng NXPE


Week 6 Day 3: ONIC Philippines 0-2 Blacklist International

Pagkaraan ng heartbreaker kontra ECHO sa Day 2, manunumbalik sa winners column ang Smart Omega bilang panapos sa Week 6 ng MPL Philippines Season 10. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadapa nila sa TNC Pro Team ML na ginapi nila sa dikdikang game 3 para mailista ang 2-1 tagumpay.

Nakauna man ang Phoenix Army sa nasabing serye ay hindi na pinayagan ng Barangay na makaisa muli ang katunggali na nag-aagaw buhay mula sa playoff contention. Sumandal ang OMG sa tikas ng Ruby ni Deomark “Mikko” Tabangay sa game two habang Claude ni Duane “Kelra” Pillas ang nagpakitang-gilas sa closer.

BASAHIN: Pasabog na late game magic muli ang isinalang ng Smart Omega para gapiin ang TNC

Week 6 Day 2: ONIC Philippines 2-0 RSG Philippines

Kakaibang-lebel ng mechanics at decision-making ang ipinamalas ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno para tulungan ang kaniyang ECHO na iligpit ang matikas na Smart Omega sa inantabayanang matchup sa Week 6 Day 2 ng MPL Philippines Season 10 regular season.

Milagrosong plays sa Julian ang ipinamalas ng ECHO jungler sa opener para baliktarin ang laro para sa kanilang panig. Dito rin bumangko ang koponan para tuluyan ang mga katunggali sa loob lamang ng 11 minuto.

BASAHIN: Alamin kung paano binaliktad ni KarlTzy ang tadhana ng ECHO kontra OMG


Week 5 Day 2: ONIC Philippines 2-0 Nexplay EVOS

Hindi bigo ang mga miron na tumutok sa dikdikan ng magkaribal na Blacklist International at Smart Omega sa Week 5 Day 2 ng MPL Philippines Season 10 regular season. Epiko ang tatlong larong kinatampukan ng dalawang bigating teams kung saan kalaunan ay nakalawit ng Omega ang inasam na paghihiganti mula sa Week 1 pagkagapi.

Pagkaraan ng serye, hinarap ni Coach Jaime “Pakba1ts” Abalos ang media kung saan idinetalye niya ang karanasan at kinailangang preparasyon ng OMG para makuha ang tagumpay sa madikit na serye. Kasama sa napasadahan ng beteranong coach ang nangyareng draft kaharap ang mahigpit na katunggali.

BASAHIN: Bakit nasabi ni OMG Coach Pakba1ts na ‘predicted’ nila ang draft ng Blacklist? Ito ang ebidensyas

Week 5 Day 1: ONIC Philippines 1-2 ECHO

Bumawi ang RSG PH laban sa karibal na Smart Omega sa pamamagitan din ng isang 2-0 sweep sa pagsisimula ng second half ng regular season sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Matatandaang winalis ng Season 9 runner-up ang defending champion sa kanilang unang MPL PH finals rematch ngayong season kaya naman gigil umano ang Raiders sa unang serye ng ikalimang linggo ng liga, ayon mismo sa kanilang jungler na si Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto.

BASAHIN: Bakit gigil ang RSG PH kontra Omega sa unang serye ng Week 5? Ito ang paliwanag ni Demonkite


Week 4 Day 1: Onic Philippines 1-2 Bren Esports

Ipinakita ni rookie jungler Kyle “KyleTzy” Sayson na pwede siyang maging susunod na Lancelot star ng Bren Esports matapos ang kanilang 2-1 reverse sweep kontra Smart Omega sa unang serye sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Pagkatapos magsalitan nila Joshua “Ch4knu” Mangilog at Rowgien “Owgwen” Unigo ng magandang performance sa Franco, nailabas sa wakas ni KyleTzy ang kanyang signature assassin hero sa deciding Game 3 kung saan nagpamalas siya ng perpektong laro upang pangunahan ang dominanteng panalo ng kanyang koponan.

Tila nahanap na ng Bren Esports sa anyo ng 16-year-old pro ang kanilang bagong Lancelot star player sunod kay former jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno, na malaki ang ginampanan sa kanilang M2 World Championship run gamit ang naturang assassin.

BASAHIN: ‘KyleTusok’! Ganito nagpakitang-gilas si KyleTzy sa kanyang Lancelot para mapabagsak ng Bren ang Omega


Week 3 Day 2: Onic 2-1 Smart Omega

Hindi tumigil sa pagpaslang sa world champions ang ONIC PH dahil dinamay na rin nila ang makamandag na Smart Omega sa listahan ng mga koponang tinalo nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Nagtapos ang ikalawang linggo ng gumugulong na season na tabla sa walong puntos ang Blacklist International, Smart Omega, at ONIC PH. Pero matapos ang ikalawang araw ng ikatlong linggo ng regular season, nagawang talunin ng mga dilaw na hedgehgog ang mga kahati nila sa top seed para pangibabawan ang standings ng liga.

BASAHIN: Matapos ang BLCK, ganito natagpuan ng ONIC PH ang lunas sa lason ng OMG

Week 3 Day 1: Smart Omega 2-0 NXPE

Matinding late game synergy at decision-making ang muling ipinamalas ng Smart Omega para puguin ang Nexplay EVOS, 2-0 sa unang araw ng Week 3 ng MPL Philippines Season 10 Regular Season.

Hindi pinayagan ng S9 runner ups na makaisa ang koponan ni Mico “Micophobia” Quitlong na hinapo nila sa magkasunod na 19 minute at 38 minute games.

BASAHIN: Bakit late game kings ang Smart Omega? Sagot ang serye kontra NXPE


Week 2 Day 3: Smart Omega 2-0 TNC

Lumipad ang Wanwan ni star gold laner Duane “Kelra” Pillas sa mabilis na 2-0 pangwawalis ng Smart Omega kontra TNC sa huling serye ng Week 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Malahalimaw na performance ang ipinakita ni “The Filipino Savage” gamit ang Agile Tiger matapos kumana ng perpektong kill-death-assist record sa dalawang laro ng serye. Dahil dito, natulungan niya ang Barangay Omega na makuha ang back-to-back wins sa linggo at umangat sa 3-1 series win-loss.

Tumabla rin ang OMG sa Blacklist International at ONIC PH sa tuktok hawak ang 8 puntos. Samantala, patuloy ang malalang losing streak ng Phoenix Army na lumagapak sa kanilang ikaapat na sunod na 0-2 defeat.

BASAHIN: Wanwan ni Kelra kumana ng perpektong 19/0/3 KDA sa serye kontra TNC

Week 2 Day 1: Smart Omega 2-1 ECHO

Smart Omega ang maituturong salarin sa maagang pagkakatapos ng kampanya ng ECHO noong dalawang nakaraang season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Kaya’t nang muling magharap ang dalawang koponan sa ikalawang linggo ng MPL PH Season 10, naglabas ng bagong variant ng lineup ang ECHO para sana simulan ang pagbawi sa makamandag na koponan nina Patrick “E2MAX” Caidic.

Muling tumapak sa entablado ng liga ang beteranong si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz bilang roamer. Inalalayan niya sina Jhonville “OUTPLAYED” Villar at Mark Justine “Zaida” Palma na bumida sa gold lane at jungle sa unang pagkakataon bilang mga miyembro ng tinaguriang Super Team.

BASAHIN: Smart Omega mas makamandag pa rin sa lineup na ‘to ng ECHO


Week 1 Day 2: Blacklist 2-0 Smart Omega

Dalawang beses binaliktad ng Blacklist International ang kalamangang naitala ng Smart Omega sa best-of-three series na ginanap noong ikalawang araw ng unang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Inetsa-puwera ng Agents ang pagbabalik ng binansagang ‘The King’ na si Kiel VJ “KielVJ” Hernandez na humalili sa midlane habang nasa bangko si Patrick “E2MAX” Caidic, maging ang debut ng rookie roamer na si Deomark “Mikko” Tabangay, na pinalitan muna si Joshua “Ch4knu” Mangilog.

BASAHIN: Back-to-back comeback tampok sa tagumpay ng Blacklist International kontra Smart Omega

Week 1 Day 1: Smart Omega 2-0 RSG PH

Sa wakas ay nabawian ng Smart Omega ang RSG PH sa pamamagitan ng 2-0 sweep sa mainit na finals rematch na binuksan ang MPL PH Season 10, Biyernes ng gabi.

Binali ng Barangay Omega ang kanilang six-match losing streak sa kamay ng Raiders na nagsimula pa noong Season 8. Bago ang panalong ito, huling napatumba ng OMG ang RSG sa first half pa ng S8 noong ika-3 ng Setyembre, 2021.

BASAHIN: Smart Omega binawian ang RSG PH sa unang serye ng MPL PH S10