Itinampok sa gumulong na Week 2 ng MPL Indonesia Season 11 (MPL ID S11) ang banggaan ng apat sa pinakamalalakas na teams sa bansa. Sa nasabing linggo, nagtapat ang ONIC Esports at ang Aura Fire habang ang RRQ Hoshi ay nakipagdikdikan naman sa matikas na EVOS Legends.

Binuksan ng Yellow Hedgehog team ang Day 2 ng matagumpay matapos lusutan ang Aura Fire sa kapanapanabik na three-game serye. 

Credit: ONIC Esports

Bagamat nakuha ang momentum sa game one, agad namang naghiganti ang Aura sa game two para i-setup ang isa sa mainit na game three kung saan ipinakita ni Butss kung bakit isa siya sa pinakamagilas na EXP laners sa mundo.

Tinutukan din sa pagtatapos ng ikalawang linggo ng MPL ID S11 ang El Clasico kung saan itinumba ng RRQ Hoshi ang White Tigers sa iskor na 2-1. Dito unang inilabas ng King of Kings ang bago nilang adisyon na si RENBO na tinulungan sina Lemon at Skylar na pihitin ang krusyal na game three tagumpay.

Credit: ONE Esports

Partikular na ipinamalas ni Lemon ang kaniyang husay sa kritikal na punto ng game three hawak ang kaniyang Terizla na binasag ang atake ng EVOS para tupiin sila sa late game, at dalhin ang kaniyang koponan sa ika-apat nitong panalo sa limang laro.

Credit: ONE Esports

Heto ang standings sa MPL ID S11 matapos ang Week 2:


Standing ng teams matapos ang Week 2 ng MPL ID S11

Credit: MPL Indonesia
RankTeamMatch W/LMatch WRGame W/LGame WR
1ONIC Esports5-0100%10-377%
2RRQ Hoshi4-180%8-373%
3EVOS Legends3-260%8-562%
4Rebellion Zion2-250%4-544%
5Bigetron Alpha2-250%4-640%
6Geek Slate1-325%4-640%
7Alter Ego1-325%3-633%
8Aura Fire0-402-820%

Manatiling nakaantabay sa mga kaganapan sa MPL ID sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Matuto kung paano kinontra ni RRQ Lemon ang Moskov sa MPL ID S11 gamit ang Masha