Nakapaghiganti na ang OpTic Gaming sa XSET matapos nila itong walisin 2-0 sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen playoffs.
Parehas na teams ay may 1-1 standing sa Stage 2, at nakasungkit ng first seed ang XSET sa Denmark matapos nilang mapanalunan ang OpTic na nagkasakit ng coronavirus sa VCT NA Stage 2 Challengers grand final.
Ngunit nakapaghinganti na ang OpTic Gaming sa Copenhagen at tinulak ang XSET pababa sa lower bracket. 7-0 na sila ngayon sa revenge matches – walang team ang nakatalo sa kanila nang mahigit isang beses, isang pruweba ng kanilang husay matuto sa bawat talo.
Natututo ang OpTic Gaming sa bawat talo
“We learn so much every time we lose,” sinabi ni Austin “crashies” Roberts sa isang post-match interview. “In these revenge matches, we’re already very used to how they play.”
“When we do lose, it’s down to the little mistakes and things like losing pistols. So when we play them again, we just know everything they’re going to do. We’re so confident as a team and everything just works out.”
Nagmukhang handa ang OpTic Gaming na harapin ang kanilang katunggalian sa regionals. Sa map pick ng XSET na Haven, nakakuha agad ng 10-2 lead ang OpTic sa kanilang attacking half at pinatumba ang mga defense ng kalaban nang hindi man lang pinapawisan.
Habang mas matagumpay ang XSET sa kanilang attack half at nanalo ng apat na straight rounds, hindi pa rin sila nagwagi sa Green Wall. Sa final round, sinagad na ng OpTic ang kanilang lineup sa isang double Operator setup nina Jaccob “yay” Whiteaker at Jimmy “Marved” Nguyen.
Dahil sa tatlong Operator kills mula sa dalawang players, napunta agad sa OpTic ang laro at tinapos ang match, 13-7.
Si crashies ang star ng sumunod na mapa na Bind. Nakakuha siya ng 22/9/5 KDA at 309 Average Combat score bilang Skye.
Isang 1v3 clutch sa Round 4 ang naging takbo ng mapa. Nagmukhang hindi nagkakamali ang OpTic, at nanalo na lang ng apat na rounds ang XSET matapos noon.
Habang tahimik lang ang star player sa Bind at siyam na kills lamang ang nakuha, nabawi naman ito ng iba pang players ng OpTic sa scoreboard.
“Going into the match I definitely had something to prove,” sinabi ng in-game leader na si Pujan “FNS” Mehta. “I didn’t want to lose again to them and I wanted it to be set in stone that we are the better team when we are all healthy.”
Lalaro ang OpTic Gaming sa kanilang susunod na match laban ang DRX sa July 18, 2:00 a.m. GMT+8 | July 17, 11:00 p.m. PT | July 17, 6:00 p.m. GMT. Lahat ng matches ay mapapanood live sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.