Oras na para makilala ng mundo ang galing ng mga nasa Mobile Gaming industry.

Ang Mobile Gaming Awards ay ang pinakabagong mobile-related awards organization na layuning kilalanin ang mga tao, grupo o organisasyon na nagpapakita ng husay at galing sa industriya. Alinsunod sa pakay na ito, isasagawa ng organisasyon ang Mobies, ang kanilang inaugural awards event na gaganapin sa Los Angeles, USA sa July 14.

Shinort-list na ng award-giving body ang ilan sa mga finalist sa 11 categories na mayroon sa event.

Sabik kaming ibalita na ang ONE Esports ay kasama sa mga na-nominate para sa Coverage Platform of the Year gantimpala.

Maaaring bumoto ang fans ng kanilang paboritong finalists hanggang June 30 sa Mobies website.


Kumpletong listahan ng finalists sa bawat kategorya sa Mobile Gaming Awards’ Mobies

Credit: Mobile Gaming Awards

Mobile Game of the Year

  • Brawl Stars
  • Call of Duty Mobile
  • Marvel Snap
  • PUBG Mobile
  • Genshin Impact
  • Pokemon Unite

Competitive Game of the Year

  • Brawl Stars
  • PUBG Mobile
  • FreeFire
  • Clash Royale
  • Mobile Legends: Bang Bang
  • Honor of Kings
  • Arena of Valor

Mobile Content Creator of the Year

  • Judo Sloth
  • Luke “iFerg” Fergie
  • Tobias “Panda” Näslund
  • Naman “Mortal” Sandeep Mathur
  • Jonathan “Jonathan Gaming” Amaral
  • Levinho
  • The Radioativo

Mobile Team of the Year

  • ECHO (Mobile Legends: Bang Bang)
  • Stalwart Esports (PUBG Mobile)
  • EStar Pro (Honor of Kings)
  • Tribe Gaming (various titles)
  • ZETA DIVISION ZERO (Brawl Stars)
  • EVOS Phoenix (Free Fire)

Mobile Player of the Year

  • Frederic “Bennyqt” Gonzales (ECHO)
  • Mohamed “Mohamed Light” Tarek (SK Calalas)
  • Tensai (BC Swell)
  • Burenbayar “TOP” Altangerel (Stalwart Esports)
  • Harsh “Goblin” Paudwal (Team Soul)
  • Ratchanon “Moshi” Kunrayason (EVOS Phoenix)

Mobile Esports Tournament of the Year

  • Brawl Stars World Finals 2022
  • Free Fire World Series 2022: Bangkok
  • Mobile Legends: Bang Bang M4 World Championships
  • PUBG MOBILE Global Championship 2022
  • Honor of Kings International Championship 2022
  • CODM World Championship 2022
Credit: Mobile Gaming Awards

Mobile Indie Game of the Year

  • T3 Arena
  • Alto’s Adventure
  • Monument Valley
  • Playdead’s Limbo
  • Stardew Valley

Mobile Developer of the Year

  • Krafton
  • LIGHTSPEED STUDIOS
  • Second Dinner
  • TiMi Studio Group
  • Garena
  • Supercell

Mobile Device of the Year

  • ROG Phone 7
  • Redmagic 8 Pro
  • Samsung S23 Ultra
  • OnePlus 11
  • Apple iPhone 14 Pro Max

Mobile App of the Year

  • Aim Lab Mobile
  • Discord
  • TikTok
  • Xbox Game Pass
  • Twitter
  • Youtube

Coverage Platform of the Year

Credit: ONE Esports
  • ONE Esports
  • Pocket Gamer
  • Pocket Tactics
  • Liquipedia
  • GamingonPhone
  • AFK Gaming

Napili ang mga finalist ng panel sa ikod ng Mobies na binubuo ng siyam na eksperto sa industriya kasama na ang TSM general manager at head of mobile na si Jeff “SuiJeneris” Chau, ang Brazilian esports host at influencer na si Ana Xisde, at two-time Esports Awards nominee na si Bruno Clash.

Ang Mobies ay bunga ng pagsasanib-puwersa ng team sa likod ng Esports Awards, ang isa sa mga pinakatinitingalang award ceremony, at ng BAYZ co-founder at CEO na si Matt “MobileMatt” Rutledge.

Tutulungan ng esports media groups na ESTV Esports TV at GINX TV ang broadcast ng nasabing araw ng parangal.

Tulungan ang ONE Esports manalo sa unang Mobies sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito.

BASAHIN: Katatampukan nina Jessica Sanchez at Alison Shore ang MPL PH S11 Grand Finals