Matapos ang ilang buwan ng mahihirap na laban, ang Hi5 ay nagwagi sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023.
Pagpasok pa lang ng kanilang team sa finals ng torneo bilang mga paboritong manalo—matapos ang kanilang undefeated run sa East Asia League—mayroon nang malaking reputasyon ang Hi5 na kailangang panatilihin. Kahit na may malaking target sa kanila, hindi kailangan ng maraming laro para malaman ng mga fans kung bakit marami sa kumpetisyon ang humahanga sa kanila.
Namayagpag ang kanilang koponan sa grand finals habang pinanatili ang kanilang impresibong win streak simula pa noong early stages ng torneo. Bagaman may ilang matitinding competition sa kanilang daan, ang kanilang pinakamalaking hamon ay nanggaling sa Team MYS mula sa Southeast Asia league.
- Elie Gaming: ‘The battles happening at the Pokemon UNITE Asia Champions league are so beautiful to watch’
- Pro player Sky Wee: ‘The Pokémon UNITE Asia Champions League has been really enjoyable to watch as I was huge fan of Pokémon growing up’
MYS ang nagpahirap ng todo sa Hi5
Sa mga nakaraang pagtatagpo, nakapagpanalo na ang Hi5 sa Team MYS. Ang Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 finals, gayunpaman, ay naging pinakamahirap at pinakamalapit na serye na nalaro ng dalawang titans na ito.
Nagmukhang mahirap para sa Hi5 dahil nakakuha ang Team MYS ng dalawang sunod-sunod na panalo sa mga laro sa unang dalawang laro ng grand finals. Luging lugi na ang Hi5, pero mala-milagrong nabaligtad ng Hi5 ang game three at game four papunta sa kanilang pabor sa pamamagitan ng pagkuha sa Rayquaza sa gitna ng laro.
Tabla sa tig-dalawang panalo, naging kritikal ang deciding game five.
Dahil mas marami silang naitalang puntos sa gitna ng huling yugto ng laro, sapat na lamang sa Hi5 na pabagalin ang laro at siguruhing hindi bibigyan ng pagkakataon ang Team MYS na makapag-score. Iniiwasan nilang mag-una at tumutok sa pagdepensa at pagtugon sa mga hakbang ng MYS.
Sa huling pag-asa na mapaikot ang laro, ginamit ng MYS ang Rayquaza. Ngunit si ZzzRay ang nagligtas ng laro para sa Hi5 sa pamamagitan ng isang well-timed Psyshock. Sa karamihan ng Team MYS na natumba, nai-score ng Hi5 ang nalalabi nilang Aeos Energy at ipinagdiwang ang kanilang tagumpay.
Sakaling nais mong mapanood ang buong laro, bisitahin ang ONE Esports Youtube channel.