Paganda nang paganda ang kalidad ng mga skins sa Mobile Legends: Bang Bang sa pagdaan ng panahon, at hindi nakakapagtaka na mas pagandahin pa ng Moonton ang MLBB anime skins para sa paparating na 515 anniversary.
Nagpatikim ang mobile legends developer ng tatlong bagong MLBB anime skins para kina Wanwan, Ling, at Yin sa bago nitong M-World trailer na may sci-fi futuristic theme.
Ang mga anime-inspired skins na ito ay ang ikalawang labas matapos ipakilala ang “The Aspirants” noong January, kung saan tampok sina Miss Hikari Layla at Blade of Kibou Fanny, na binosesan ng beteranong Japanese voice actresses na sina Yoshino Nanjo at Nana Mizuki.
Preview ng MLBB anime skins para kina Wanwan, Ling, at Yin sa 515 M-World trailer
Sa simula ng M-World trailer ng Moonton ay ipinakita ang bagong anyo ng 515 logo na ginawang crest, bago lumabas ang mga katagang “You are invited” sa screen.
Matapos ito ay dadalhin tayo ng napakagandang trailer sa isang neon-lit city kung saan pinagsama ang mga modernong gusali at mga oriental na istraktura na tila mga templo.
Dito ay masusulyapan natin ang MLBB anime skin ni Wanwan na may black, yellow, blue, and red na theme, na sinamahan pa ng yellow na sunglasses na nakasabit sa kanyang blouse.
Sa ikalawang bahagi ng trailer, ipinakita nang malapitan sa mga fans ang mga MLBB anime skin weapons ng tatlong heroes. May cat-like characteristics pa rin ang wrist pawe ni Wanwan, habang elegante pa rin tignan ang espada ni Ling sa futuristic form nito.
Binigyan din ng modern twist ang gold rings ni Yin. Umiilaw pa rin ito ng gold, ngunit sa loob na lamang.
Magkakaroon din kaya ng mga special voice lines ang mga MLBB anime skins na ito mula sa mga Japanese voice actors?
Ang M-World ay magiging available sa April 12.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.