Mas higit pa mag-ensayo si DRX stax kaysa sa oras ng pag-ta-trabaho ng karaniwang tao at halos wala na siyang oras para sa iba pang mga bagay. 

Matagal nang pinupuri ang DRX bilang isa sa pinaka-matatag at pinaka-tactical na team sa pro Valorant

Mula sa kanilang 102-game win stream bilang Vison Strikers, ang kanilang paghahari sa Korea ay hindi pa nasusubukan. Sa international stage naman, nakilala ang team nila dahil sa kanilang mahusay na coordination at mabisang utility usage.  

Si Kim “stax” Gu-taek ay isa sa pinaka-matagal na myembro ng team, at alam niyang hindi madali maging matagumpay. 

Hindi lang ito puro saya – hindi lahat ay nakakaangat sa tuktok ng walang oras na binigay para ma-perpekto ang kanilang galing. 

Mahigit 10 oras sa isang araw mag-ensayo si DRX stax 

Kahit na paiba-iba ang mga pagsubok ng isang pro career sa bawat bansa, tila mas mahirap sa Korea. 

Sa isang karaniwang araw, gigising si stax ng 11:30 a.m. at may isang oras siya para maghanda bago umpisahan ang kaniyang ensayo, sinabi niya sa ONE Esports sa isang exclusive interview. Nag-e-ensayo siya sa loob ng mahigit 10 oras araw-araw, mas higit pa sa pangkaraniwang work day ng isang tao.  

Bagamat pinaubaya na niya ang shotcal role kay Kim “Zest” Gi-seok na bumalik sa team noong January, patuloy pa rin siyang nakikilala bilang isa sa pinakamahusay na initiators sa laro.  

Noong Masters Copenhagen group stage, pangalawa siya sa leaderboard sa kaniyang 1.34 K/D, sumunod kay Nikita “trexx” Cherednichenko ng Guild Esports. 

Isang katunggalian rin ang nabubuo sa pagitan DRX stax at ni Brendan “BcJ” Jensen ng XSET. Nagbitiw ang dalawa ng mga hirit sa isa’t-isa, at nagtaka si BcJ kung dapat bang ituring best initiator si stax ng laro. 

Matulis ang sinagot ni DRX stax, at sinabing hindi niya kilala kung sino si BcJ, at tinanong pa kung isa itong klase ng chicken company. 

Nagtagumpay ang DRX sa kanilang unang playoffs sa Leviatán matapos patumbahin ang Latin American top seed, 2-1.