Inilabas na ng Moonton ang pinakabagong Collector skin para sa buwan ng Agosto, ang Wicked Flames Sun.

Ang naturang skin ang ikapitong skin ng Fighter at ang una niyang Collector skin. Tampok dito ang bago niyang itsura bilang isang mandirigmang naninirahan sa loob ng isang aktibong bulkan.

Gaya ng Simian Curse Starlight skin, kung saan ipinapakita siya bilang isang mandirigmang nabahiran ng kasamaan, hakbang palapit sa parehong disenyo ang Wicked Flames Sun skin. Umiilaw ang pula niyang mga mata at meron din siyang sungay ng demonyo na halos kasing haba ng kanyang katawan.

Unang sulyap sa Wicked Flames Sun, ang Collector Skin para sa Agosto, at mga skill effect nito

Wicked Flames Sun na ang pinakamaangas na skin ni Monkey King
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa mga naunang skins ni Sun, madalas ay ipinapakita siya bilang isang batang mandirigma. Iba ang Collector skin na ‘to dahil muka na siyang hasang betarano na may puti at mahabang buhok at balbas.

May upgrade din ang kanyang staff, na lumiliwanag sa tuwing pumapalo siya. Kung gusto mong mag-a la kontrabida sa mga laro mo, tiyak na ito ang skin na para sayo.

Para naman sa kanyang mga skill, may pasabog na sa target location tuwing gumagamit siya ng Endless Variety o Swift Exchange. Maangas din ang effect ng ultimate niyang Clone Technique. Imbis kasi na usok, muka na ng demonyo ang lalabas pag-summon niya ng mga clone.

Isa pang bagay na nagpapa-angas sa skin na ‘to ay ang mga actions ni Sun habang naglalakad. Meron din itong unique idle animation habang nakatayo, bagay na maa-appreciate ng mga Sun mains tuwing maghihintay sa bush.



Inilbas noong ikatlo ng Agosto ang Wicked Flames Sun sa Collector event.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: OhMyV33NUS tungkol sa M3 World Championship skin: ‘Hindi ko naman pinangarap na umabot kami sa ganito’