Inanunsyo kamakailan ang kumpletong listahan ng mga games na kabilang sa esports event ng paparating na Asian Games 2022.

Sa nagdaang press conference para sa Road to Asian Games (RDAG) 2022 ng Asian Electronic Sports Federation (AESF), inihayag ang walong esports titles na magiging tampok sa nasabing sporting event. Marami ang nasabik sa mga kabilang na games sa listahan, ngunit hindi maitatangging merong mga nagtaka kung bakit hindi kasama ang isa sa mga pinakasikat na esports title sa Southeast Asia, ang Mobile Legends: Bang Bang.

Dahil dito, pinasya ng ONE Esports na tanungin ang panel kung ano ang proseso sa pagpili ng mga games para sa event, at narito ang sagot ng kinatawan ng AESF.

Proseso sa pagpili ng mga games para sa Asian Games 2022

Steve Kim AESF COO Asian Games 2022 Esports
Credit: Evident

Sa panayam ng ONE Esports, sinagot ng AESF Chief Operating Officer na si Steve Kim kung paano napili ang mga games sa inilabas na listahan. Ayon sa kanya, binuksan ang aplikasyon para sa lahat nang game publishers sa buong mundo. “When we start selection process, we opened the application process to publishers across the world. Not only in Asia, but North America, Europe and all other countries. We received 33 title applications which are applicable for esports.”

Ibinahagi rin ni Kim ang tatlong criteria na sinunod upang matiyak na ang mga napiling titles ay naaayon sa pamantayan ng Olympic Council of Asia (OCA) at AESF, at ito ay ang sumusunod:

Compliance with Olympic Values

Aniya, mahalaga na ang mga mapipiling laro ay sumusunod sa parehong prinsipyo ng OCA at AESF, lalo na at sensitibo ang mga ahensyang ito pagdating sa karahasan at paglalaban-laban sa mga games.

Licensing

Importante ang licensing pagdating sa mga esports competition lalo na sa mga bansang gaya ng China at Vietnam. “Without license, it is difficult to host international competitions,” sabi ni Kim.

Accessibility

Mahalaga rin na may access ang mga kasaling bansa sa mga games na paglalabanan upang maging patas ito para sa lahat. Sa puntong ito ay ipinaliwanag niya ang pagkakasali ng Dream Three Kingdoms 2 sa listahan. “We need to make sure that all selected titles have fair accessibility across all regions of Asia, except for one title which is Dream Three Kingdoms 2,” sabi ni Steve Kim. “This was proposed by the hosting country. This is why it has limited accessibility compared to the other 7 titles.”

PESO POC AESF Asian Games 2022 Esports
Credit: Evident

Dagdag pa ni Steve Kim, nakipagtulungan din sila sa mga non-profit organizations tulad ng International Age Rating Coalition (IARC) upang masiguro na meron silang sapat na datos tungkol sa games upang matulungan sila sa pagpili ng mga nararapat na mapabilang sa esports event ng Asian Games 2022.

Kumpletong listahan ng mga esports title sa Asian Games 2022

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.