Makaraang makuha ang grand finals slot at kalaunan ay ang kampeonato ng MPL Indonesia Season 10, nakalawit din ng ONIC Esports ang tiyansa maging kinatawan ng bansa sa darating na M4 World Championship sa Enero. Susubukan nila at ng runner-ups na RRQ Hoshi na ibalik sa puder ng Indonesia ang titulong hulu nilang nakuha noon pang unai tong idinaos (M1).

Bilang mga kinatawan ng isa sa pinakamalakas na MPL regions sa mundo, paborito ang ONIC Esports at RRQ Hoshi na magtagumpay sa kumpetisyon. Katuwang nila ang mga pambato ng MPL Philippines na pinapalagay na magiging kampeon ng prestihiyosong liga.

Gayunpaman, hindi maikakaila na may angking-tikas din ang mga sasalang mula Estados Unidos, Singapore, Malaysia, Cambodia at iba pang rehiyon na lalahok. Sa katunayan, nahirapan ang ONIC sa Group Stage noong nakaraang M3 Worlds na nagtulak sa kanila ng 2nd round exit mula sa lower bracket.