Ang Harry Potter Magic Awakened ay ang pinakabagong mobile game adaptation ng Harry Potter franchise. Mula sa pag-aaral ng mga spell cards hanggang sa paglalaro ng Quidditch, sa game na ito ay mararanasan ng mga players ang maging isang first-year student sa tanyag na Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry.

Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa Harry Potter Magic Awakened, kasama na ang istorya, gameplay, release date, at sa kung anong platforms ito maaaring laruin.


Tungkol saan ang Harry Potter Magic Awakened?

Harry Potter Magic Awakened featured
Credit: Portkey Games

Published at dinevelop ng Portkey Games, ang Harry Potter Magic Awakened ay isang libreng mobile game na pinagsama ang collectibl;e card gameplay at mga features ng isang MMORPG.

Ang mga players ay gaganap bilang isang first-year student sa Hogwarts, kung saan makakasama nila ang iba pang naghahangad na maging wizard at witches sa isang paglalakbay upang maging mga dalubhasa sa magic. Maaari din nilang i-customize ang kanilang character at isuot ang iconic na Sorting Hat upang maibukod sa kani-kanilang House.

Kinumpirma ng Portkey Games na ang game ay nakakabit sa Wizarding World lore, kung saan tampok ang ilang pamilyar na characters mula sa Harry Potter series tulad nina Hagrid at Professor McGonagall.


Gameplay ng Harry Potter Magic Awakened

Tampok din sa Harry Potter Magic Awakened ang iba’t-ibang aspeto ng pang-araw-araw na buhay ng isang estudyante sa Hogwarts.

Habang nasasanya ang mga estudyante sa kanilang ikalawang tahanan, maaari silang matuto ng mga bagong charms, pag-aralan ang kasaysayan ng magic, at sanayin ang kanilang pandepensa laban sa Dark Arts.

Kung nababato ka na ay pwede kang maglibot sa iba’t-ibang pasikot-sikot ng Hogwarts o lumipad sa ibabaw ng paaralan sakay ng iyong broom. Kung sanay ka na sa paglipad, pwede mong gamitin ito atb subukan ang iyong galing sa Quidditch.

Ang collectible card mechanic ng game ang susi sa iyong magic combat. At dahil mayroong mahigit 80 spell cards na pwedeng makolekta at i-level up, maaati kang bumuo ng sarili mong personal deck upang labanan ang iba’t ibang nilalang o amging ang iyong mga sariling kaklase. Ang mga sikat na charms tulad ng Expelliarmus at mga summons tulad ng Unicorn ay magiging available sa iyong deck.


Release date ng Harry Potter Magic Awakened

Bagama’t nailabas na ang game sa China, Taiwan, Hong Kong, at Macau, nakatakda ang global launch ng Harry Potter Magic Awakened sa taong ito. Ang game ay magiging free-to-play sa mga mobile devices.

Ang mga android users ay maaaring mag-sign up para sa pre-registration sa Google App store.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.