Gusto mo bang matutunan ang mga ins at outs ng esports? Ang paparating na Esports Integrated Conference (EIC) ay sasagutin ang lahat ng katanungan mo tungkol sa industriya.

Ang Esports Integrated Conference ay isang virtual interactive conference na titipunin ang mga experts ng industriya mula sa Southeast Asia region para maka-develop at turuan ang lokal na esports community.

Maari mong matutunan ang buhay ng isang professional na Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) na player, esports marketing, ang local influencer scene, at marami pang iba.

Inilunsad ng Esports Integrated (ESI) ang Esports Integrated Conference (EIC) 2021

Ito ay isang jam-packed na apat na araw na conference na gaganapin mula sa May 24 hanggang 27 at magtatampok ng mga notable speakers tulad ng sariling CEO ng ONE Esports na si Carlos Alimurung. 

Ito ang iba pang mga partners at personalities na lalahok sa event: 

Here are the other partners and personalities who will be present during the event: 

  • Ahmed Faris Amir, CEO of ESI  
  • Adrian Gaffor, Co-Founder of Esports Business Network  
  • Izza Izelan, Executive Director of WOMEN:girls  
  • Eric Khor, Team Director of Fnatic  
  • Bruno Pequeno, Game Publisher Manager of Xcloudgame  
  • Allan Phang, Regional Head of Marketing and PR of EVOS Esports 
  • Christopher Tock, CEO of Digitally.Asia Group  
  • Sheng Wong, Geek Fam  
  • Ai Gaming  
  • Abiyek  

“Providing access to information and insights from various industry experts have always been a key focus of ESI and the Ministry of Youth and Sports,” sabi ng CEO ng Impact Integrated and ESI na si Ahmed Faris Amir. 

Credit: Esports Integrated


“This engagement platform is aimed to bridge the gap, foster more understanding, and educate all stakeholders, with a goal of establishing Malaysia as one of the premiere hubs for industry discourse within the region.”

Dagdag pa diyan, ang Free Fire tournament ng Garena na “EIC Play” ay bukas para sa lahat ng participants.

Ang pinakamalupet diyan? Libre para sa lahat ng Esports Integrated Conference! Siguraduhing magrehistro para magkaroon ng access sa conference kapag ito ay live sa sa Lunes, May 24.

Goal ng Esports Integrated na makabuo ng isang vibrant esports ecosystem 

Ang Esports Integrated Conference ay inorganisa ng Esports Integrated (ESI), isang agency na pinapatakbo ng Malaysian Ministry of Youth and Sports (KBS).

Gusto nila makabuo ng isang vibrant, sustainable, at inklusibong esports ecosystem at itayo ang Malaysia bilang isa sa mga sentro ng esports industry.