Bigo mang makapasok sa Upper Bracket ng playoffs, nanumbalik pa rin ang init ng Bren Esports matapos nang isang matagumpay na regular season. Umani rin ng mas marami pang tagahanga ang Hive dahil sa maraming stand-out na performance mula sa kanilang rookie at mga beteranong nagbabalik sa taas ng eksena.

Heto ang mga naging laban ng Bren Esports sa kanilang paglalakbay pabalik ng MPL PH playoffs.

Match 14: Bren Esports 2-1 Nexplay EVOS

Mapapasakamay ng BREN Esports ang momentum at kumpiyansa sa kanilang play papunta sa MPL Philippines Season 10 playoffs. Ito ay matapos nilang gapiin ang Nexplay EVOS, 2-1, upang makalawit ang four-game winning streak at umarangkada sa upper half ng regular season standings.

Susi ang plays ni Vincent “Pandora” Unigo na hinawakan ang Esmeralda at Paquito sa huling dalawang laro ng Week 8 Day 2 serye para tulungan ang kaniyang team makumpleto ang reverse sweep.

BASAHIN: Apat dapat! Alamin kung paano kinuha ng BREN ang 4-game winstreak matapos iligpit ang NXPE

Match 13: Bren Esports 2-0 Omega

Pinangunahan ni rookie roamer Rowgien “Owgwen” Unigo ang malinis na 2-0 sweep ng Bren Esports kontra Smart Omega sa bwena manong serye ng Week 8 sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Nagpamalas ng Atlas masterclass si Owgwen na nagtala ng perpektong KDA record sa parehong laban kahit pa katapat niya ang isa sa pinakarespetadong tank-roamer ng liga na si Joshua “Ch4knu” Mangilog.

Sa likod ni Owgwen, inilista ng Bren ang kanilang ikatlong sunod na panalo at pinutol naman ang 3-match winning streak ng Omega. Pinanatili rin nila ang maliit na tsansang makasunggab ng top 2 spot na may kaakibat na playoffs upper bracket slot.

BASAHIN: Owgwen nagtala ng 2/0/19 KDA gamit ang Atlas, bumida sa 2-0 sweep ng Bren kontra Omega

Match 12: Bren Esports 2-1 RSG

Lumabas sa unang pagkakataon ang Bane sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) nang i-pick ito ng Bren Esports laban sa defending champion RSG PH sa napakaimportanteng Game 3 ng kanilang serye sa Week 7 Day 2.

Nakataya kasi sa naturang laro ang ginintuang tsansa ng koponan ng “The Hive” na makabalik sa playoffs matapos kapusing makatuntong dito sa dalawang nakalipas na season.

Pero ‘di gaya ng sumikat na jungle Bane noon, sinugal ng Bren ang Frozen King sa kamay ni beteranong captain-midlaner Angelo “Pheww” Arcangel na ginamitan ito ng magic type na item build. Sa-post match press conference, ibinahagi ng M2 world champion player ang dahilan sa pagkuha ng kakaibang Bane pick.

BASAHIN: Bakit nag-pick ng magic-type Bane ang Bren Esports sa crucial Game 3 kontra RSG PH? Heto ang dahilan

Match 11: Bren Esports 2-1 Blacklist

Sa harap ng isa sa mga pinaka-kinatatakutang teams sa MPL Philippines Season 10, nanatiling matikas at disiplinado ang BREN Esports na kinalawit ang kanilang ika-anim na panalo sa gumugulong na regular season.

Mabibigyang-tibay ng koponan ang kanilang playoff bid karugtong ng pagpapadapa nila sa Blacklist International, 2-1, sa Day 2 ng Week 6 bakbakan.

Basahin: Kontra BLCK, ipinakita ng BREN kung bakit paboritong pick ang Paquito ngayon


Match 9: Bren 2-1 TNC

Sasakyan na ng BREN Esports ang 4-game win streak matapos patumbahin ang TNC Pro Team ML sa ikahuli nilang serye sa Week 5 ng MPL Philippines Season 10 regular season.

Hindi man naging pabor ang resulta ng opener para sa hanay ng koponan, hindi pinayagan ni Angelo “Pheww” Arkangel na mapurnada ang kanilang arangkada sa regular season standings. Ito ay karugtong ng brilyante niyang plays hawak ang Valentina sa magkasunod na game two at game three.

BASAHIN: Gaano Ang tagumpay ng BREN kontra TNC ang rason kung bakit idol ng mga kids si Pheww


Match 8: Bren 2-1 ONIC PH

Patuloy na ipinapamalas ng BREN Esports ang bangis ng bago nilang porma sa gumugulong na MPL Philippines Season 10. Ito ay matapos nilang kumpletuhin ang upset kontra top-seeded ONIC Phiippines, 2-1, para buksan ang second half ng regular season nang nasa winning column.

Bagamat nagapi sa unang mapa ay hindi sumuko ang “The Hive” na pumihit ng dalawang magkasunod na panalo sa likod ng brilyanteng plays nina Michael “KyleTzy” Sayson at Marco “SUPER MARCO” Requitano.

BASAHIN: Gaano nga ba kahalaga ang tagumpay ng BREN Esports kontra ONIC PH sa W5?

Match 7: Bren Esports 2-1 NXPE

Kinumpleto ng Bren Esports ang malinis na kampanya sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) matapos nilang walisin ang Nexplay EVOS na ipinasok si Renejay “RENEJAY” Barcarse sa unang pagkakataon ngayong season.

Tampok ang beteranong “Rene2wo” duo na si roamer Renejay at jungler John Paul “H2wo” Salonga, tinangka ng NXPE na wakasan ang kanilang 3-game losing streak laban kila rising star Kyle “KyleTzy” Sayson at Bren.

Pero isang dominanteng panalo sa unang laro ang nilista ng koponan sa itim at dilaw bago ipako ang 2-0 sweep sa pamamagitan ng isang comeback para makuha ang back-to-back wins sa Week 4 ng liga.

BASAHIN: Sinupalpal ng Bren Esports ang MPL PH S10 debut ni Renejay at pinabagsak ang NXPE sa 4-match losing streas


Match 6: Bren Esports 2-1 OMG

Ipinakita ni rookie jungler Kyle “KyleTzy” Sayson na pwede siyang maging susunod na Lancelot star ng Bren Esports matapos ang kanilang 2-1 reverse sweep kontra Smart Omega sa unang serye sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Pagkatapos magsalitan nila Joshua “Ch4knu” Mangilog at Rowgien “Owgwen” Unigo ng magandang performance sa Franco, nailabas sa wakas ni KyleTzy ang kanyang signature assassin hero sa deciding Game 3 kung saan nagpamalas siya ng perpektong laro upang pangunahan ang dominanteng panalo ng kanyang koponan.

Tila nahanap na ng Bren Esports sa anyo ng 16-year-old pro ang kanilang bagong Lancelot star player sunod kay former jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno, na malaki ang ginampanan sa kanilang M2 World Championship run gamit ang naturang assassin.

BASAHIN: ‘KyleTusok’! Ganito nagpakitang-gilas si KyleTzy sa kanyang Lancelot para mapabagsak ng Bren ang Omega


Match 5: Bren Esports 1-2 RSG

Nakasungkit ng panalo ang kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 na RSG PH laban sa koponang nag-uwi ng titulo noong M2 World Championship sa ika-10 season ng MLBB Professional League Philippines (MPL PH).

Salpukan ng mga kampeon ang naganap sa ikalawang araw ng ikatlong linggo ng regular season. At sa unang pagkakataon simula nang matalo noong season opener kontra Smart Omega, muling rumampa sa entablado ang MSC 2022 lineup ng Raiders para matalo ang BREN Esports sa iskor na 2-1.

BASAHIN: Bakit nagpalit sa MSC 2022 lineup ang RSG PH sa gitna ng serye kontra BREN Esports

Match 4: Bren Esports 0-2 Blacklist International

Matinding late game synergy at decision-making ang muling ipinamalas ng Smart Omega para puguin ang Nexplay EVOS, 2-0 sa unang araw ng Week 3 ng MPL Philippines Season 10 Regular Season.

Hindi pinayagan ng S9 runner ups na makaisa ang koponan ni Mico “Micophobia” Quitlong na hinapo nila sa magkasunod na 19 minute at 38 minute games.

BASAHIN: Bakit late game kings ang Smart Omega? Sagot ang serye kontra NXPE


Match 3: Bren Esports 0-2 ECHO

Nanaig si veteran jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno kontra sa umiidolo sa kanyang si rookie jungler Kyle “KyleTzy” Sayson sa unang “Battle of Tzy” ng MPL PH Season 10 (MPL PH S10) matapos walisin ng ECHO ang Bren Esports, 2-0, sa huling serye ng Week 2 Day 1.

Pinanis ng Julian ni KarlTzy ang Hayabusa ni KyleTzy sa kanilang kauna-unahang pagtatapat sa liga pero sa sumunod na laro ay inagaw ni rookie mid-support Alston “Sanji” Placibo ang spotlight gamit ang kanyang Faramis.

BASAHIN: KarlTzy wagi kontra KyleTzy sa unang ‘Battle of Tzy’ matapos ang 2-0 sweep ng ECHO laban sa Bren Esports

Match 2: Bren Esports 2-0 TNC

Pinatunayan ni rookie jungler Kyle Angelo “KyleTzy” Sayson na kaya niya talagang makipagsabayan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) nang dalhin niya ang Bren Esports sa una nilang panalo sa pamamagitan ng 2-0 sweep laban sa TNC Pro Team.

Nagpakitang-gilas ang 16-year-old player sa kanyang Ling sa unang laro bago makipagsanib-puwersa kay rookie roamer Rowgien “Owgwen” Unigo upang makabangon ang Bren mula sa mapait na 1-2 pagkatalo sa ONIC PH.

BASAHIN: KyleTzy nagpasiklab sa 2-0 sweep ng Bren Esports kontra TNC


Match 1: Bren Esports 1-2 ONIC Philippines

Mahigit 10 libong pagkakatambak sa gold lead ang binaliktad ng ONIC PH para mapagtagumpayan ang kanilang serye kontra BREN Esports sa unang sabak nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Tila natuldukan na ang mga pagdududang bumabalot sa kakayahan ng mga bagong miyembro ng koponan na makipagsabayan sa mga batikang manlalaro ng liga. Sa naturang tagumpay kasi, napatunayan ng ONIC PH na may taglay din silang husay hindi lang pagdating sa mechanical skills, kung hindi maging sa decision-making.

BASAHIN: Bagong ONIC PH nagpakilala sa MPL PH S10; Naka-comeback kontra BREN Esports | ONE Esports Philippines