Ang article na ito ay hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.
Imporante mag ultimates sa Mobile Legends para ipapanalo ang teamfight, at ginagamit na ng mga pro ang isang specific na rotation para makakuha ng ultimate ang apat na heroes bago magkaroon ng Level 4.
RESULTA NG POLL
Anong hero ang gusto niyong kasama sa susunod na guide?
POLL: Gaming
Sarado na ang Poll
Wala pang pormal na tawag dito, pero ito’y kagaya ng “Switch” na nauso bilang isa sa mga unang standard rotations noong taong 2019 pa. Ang pag-switch ng pwesto ng tatlong members ng isang team naging dahilan kung bakit epektibo ang rotation ‘to.
Sa panibagong “Triple Switch” o “3 Switch” rotation, magkakaroon ng malakas na power spike ang isang team: Ang Roamer, Mid Laner, Jungler, at EXP Laner ay magiging handa gamit ang apat na Ultimates (dahil sila’y Level 4 lahat) sa unang Turtle fight ng laro.
Paano gawin ang 3 Switch para makuha ang Level 4 bago pa mag Turtle 1 sa MLBB
Simple lang ang kailangang tandaan para sa rotation na ‘to: may bonus EXP na makukuha sa EXP Cannon na available sa EXP Lane, at sobra-sobra ang EXP na ‘to para sa EXP Laner. Sa madaling salita, maaring saluhin ng isang additional na hero ang huling wave sa EXP Lane bago mag Turtle Fight (Ang Wave ng minion na dadating sa EXP Lane bandang 1:35 sa in-game time) at magiging level 4 pa rin ang hero na ‘to. Bilang resulta, maaring solohin ng Roamer ang minion wave sa Mid Lane sa ganitong oras (1:35 sa in-game time rin). Babala: kailangang walang ibang hero na nasa Mid Lane habang kini-clear ng Roamer ang 1:35 lane sa Mid, kundi ay hindi aabot ang Roamer sa Level 4.
Habang nangyayari ito, may choice ang EXP Laner na tumambay sa EXP Lane, o kaya nama’y simulan nang pumwesto sa Turtle Area.
Kung tamang tama ang execution sa rotation na ‘to, sakto sa 2-minute Turtle ang lahat ng Ultimates ng 4 heroes ng isang team.
Importansya ng pagkuha ng Level 4 para sa 4 heroes bago pa mag Turtle 1 sa MLBB
Sa metagame ngayon, uso sa Roamers ang pagkakaroon ng game-changing na Ultimates: Chou na may Way of the Dragon, Atlas na may Fatal Links, Khufra na may Tyrant’s Rage, Franco na may Bloody Hunt. Uso ang malupitang set na maaring manggaling sa Roamer, kaya nama’y nagiging crucial ang mga ultimates na ito pag dating sa Turtle Fights.
At dahil nabibigyan ito ng importansya ng mga pro teams, dito na napapaganda ang “3 Switch Rotations”..
Iisa lang naman talaga ang downside: may 100-200 Gold na maaring masayang dahil lang sa ideya na magbibigay ang EXP Laner ng ilang resources na dapat ay nasosolo niya, habang nagsasakripisyo din ng iilang gold ang Mid Laner. Ngunit ang mga downside na ito ay hindi tatapat sa benefits na nakukuha ng pagkakapanalo ng teamfight sa unang Turtle ng laro.
Sa metagame na importante ang pag-snowball, nagiging epektibo ang Triple Switch para magkaroon ng mas mataas ng tyansang manalo sa mga early game teamfights. Lalong-lalo na kapag ang Roamer ay mayroong fatal na Ultimate mula sa mga hard lockdowns na available sa laro, mas napapaganda na gawin ang rotation na ‘to para sa early game.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Katatampukan nina Jessica Sanchez at Alison Shore ang MPL PH S11 Grand Finals