Ang Electronic Entertainment Expo, na mas kilala sa tawag na E3, ay kanselado. Ang dating nangungunang gaming convention ay hindi magaganap sa taong 2023.
Ang impormasyon na ito ay unang ibinalita ng IGN kung saan inihayag nila na ang Entertainment Software Association ay piniling huwag mag-host ng event para sa taong ito, sa kabila ng anunsyo ng pagbabalik nito noong nakaraang taon lamang.
E3 2023 hindi nakuha ang interes na kinakailangan nito
Ayon sa email, ang team sa likod ng event ay naniniwalang ang event para sa taong 2023 ay hindi lamang nakakuha ng patuloy na interes na kinakailangan upang maisagawa ito sa paraang magpapakita ng laki, lakas, at epekto ng ating industriya.
Nag-tweet na rin ang organisasyon ng kumpirmasyon, at isang pahayag ang inilabas ng kanilang global VP of gaming sa ReedPop na si Kyle Marsden-Kish.
“This was a difficult decision because of all the effort we and our partners put toward making this event happen, but we had to do what’s right for the industry and what’s right for E3. We appreciate and understand that interested companies wouldn’t have playable demos ready and that resourcing challenges made being at E3 this summer an obstacle they couldn’t overcome. For those who did commit to E3 2023, we’re sorry we can’t put on the showcase you deserve and that you’ve come to expect from ReedPop’s event experiences.”
Sinundan nito ang pagpapahayag ng Xbox, Nintendo, PlayStation, at Ubisoft na hindi sila dadalo sa event.
Ang event ay nakatakdang ganapin sa June 13 hanggang 16 sa Los Angeles Convention Center. Sa ngayon ay walang nakakaalam kung anong mangyayari sa minsang kinapipitagang gaming event sa mga darating na taon.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.