Nagtagpo na sa wakas ang makulay na mundo ng video games at maaaksyong tagpo ng sports.
Mula sa serye ng NBA 2K papunta sa FIFA, tampok sa episode na ‘to ng Gamer’s Paradise ang video games na galing sa aktwal na sports.
Mainit na usapan sa The Pulse segment ang best NBA 2K draft nina sports journalist Jutt Sulit pati na rin ang content creator at caster na si Mikee Reyes. Binuo nila ang kani-kanilang dream draft mula sa NBA 2K10 hanggang sa 2K20.
Sports at video games nagtagpo sa Gamer’s Paradise Episode 7
Kapansin-pansin ang kaibahan ng fantasy drafts na binuo ng dalawang guests.
Isinalalay ni Jutt ang kanyang tiwala sa mga all-star players ng 2010s, pero mas nanindigan si Mikee sa tikas ng superstars ng naunang dekada.
POSITION | JUTT | MIKEE |
Point Guard (PG) | S. Curry (2K20) | D. Rose (2K12) |
Shooting Guard (SG) | K. Bryant (2K10) | M. Ellis (2K11) |
Small Forward (SF) | K. Durant (2K13) | L. James (2K13) |
Power Forward (PF) | D. Nowitzki (2K14) | K. Garnett (2K11) |
Center (C) | G. Antetokounmpo (2K18) | D. Howard (2K11) |
May sarili ka bang dream NBA 2K dream team? Share mo na sa comment section ng YouTube channel ng ONE Esports!
Samantala, tampok naman sa Hero Story ang Singaporean FIFA pro na si Fardhino, na ibinahagi ang behind-the-scenes ng competitive FIFA.
“The esports experience for FIFA is basically like a football match,” aniya. “It’s virtual football and everyone is incredibly passionate.”
Football fan ang tatay ni Fardhino, na kasalukuyang naglalaro para sa Team Flash. “He watched all oft he Liverpool games, so naturally I watched them with him,” kwento niya.
“And then one day, my parents got me a PlayStation 2 for my birthday. And since I’m also a Liverpool fan, I got to play with my idols on FIFA. That’s how I fell in love with the game. I’ve been playing it since I was 6.”
Parehong-pareho ang paghahanda niya sa mga turneo gaya ng karamihan ng esports pros, nagbu-bootcamp din siya kasama ang mga kakampi bago magsimula ang kompetisyon.
Para tapusin ang episode ng Gamer’s Paradise, bumalik sa House Party sina Jutt at Mikee, kung saan sinubok ang kanilang shooting gamit ang miniature basketballs sa The Kobe Challenge.
Ipinapalabas ang Gamer’s Paradise kada Lunes, 8:30 p.m., sa mga opisyal na social channels ng ONE Esports, gaya ng Facebook, Twitch, YouTube, at AfreecaTV.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.