Nagbabalik ang ONE Esports Community Tournaments, na meron nang mas maraming games.
Ipakita ang iyong husay sa apat na games: Mobile Legends: Bang Bang, Valorant, pati na rin MOBAs na Dota 2 at League of Legends!
Ang bawat tournament ay merong US$225 na prize pool. Ang mga mananalo ay makakatanggap ng US$150, habang ang mga runners-up naman ay may US$75. Ang mga winners ng MLBB ay makakakuha rin ng Diamonds, 7,500 ang ipamimigay para maipambili ng skin na matagal mo nang tinitignan.
Ang mga players mula sa Southeast Asia ay maaaring sumali sa MLBB, Valorant, at Dota 2 tournaments. Ang mga North American players naman ay pwedeng makasali sa Valorant at League competitions.
Manalo ng cash at MLBB diamonds sa ONE Esports Community Tournaments
Ang lahat nang matches ay magkakaroon ng single-elimination, best-of-one format, maliban sa grand final na magiging best-of-three.
Ang lahat ay may pagkakataon. Ang ONE Esports Community Tournaments ay tatakbo mula April hanggang May, kaya’t tawagin na ang mga tropa at pumili ng time slot kung kelan niyo gustong wasakin ang mga kalaban:
- Magpunta sa ONE Esports Community Tournaments page
- Piliin ang inyong region at game na nais niyong laruin.
- Piliin ang tournament na gustong salihan.
- Mag-log-in sa Battlefy at i-register ang iyong team. Kung wala kang Battlefy account, kinakailangan mong gumawa.
Ang mga team captains ay kelangang mag-submit ng screenshot ng final scoreboard sa pagtatapos ng tournament upang makuha ang cash prize. Ang mananalong team ay kelangan ding magbigay ng proof of residency upang matanggap ang kanilang premyo.
Dagdag pa dito, ang lahat nang players ay kelangang sumali sa official ONE Esports tournament Discord server.
Ang ONE Esports MLBB at Valorant Community Tournaments ay bukas sa lahat nang players na may kahit anong skill level, maging baguhan ka man sa game o nakapwesto ka na sa leaderboard.
Ang kumpletong detalye at schedule ng tournament ay makikita dito sa Battlefy.