Trashtalker man si Peanut sa Call of Duty Mobile, ngunit mabait sa totoong buhay ang 19-year-old na si Philip Lawrence Molon.
Isang “batang computer shop,” sanay na sa mga laro si Peanut. Iilan sa mga nilaro niya ay ang mga laro tulad ng Rules of Survival, League of Legends, at Mobile Legends: Bang Bang.
Kwento niya, nagsimula ang kaniyang streaming career sa isang birong pagpapanggap bilang isang babae sa mga 1v1 nila ng kapwa ML streamer na si Ghost Wrecker.
“Doon ako nagsimula, maraming nakakakilala sakin na babae ako, tapos yung iba, nagsasabi na lalaki yan lalaki ‘yan, tapos syempre magaling mag Selena tapos babae. Syempre sinong hindi mamamangha? Tapos ayun, nag-stream ako noong December 2019, then si Wrecker naman nag-uupload ng videos naming dalawa. Ayun, tuloy-tuloy nag-grow yung followers ko [at] subscribers ko sa YouTube,” sabi ni Peanut.
Magkaiba si Peanut at Philip Lawrence Molon
Bagamat kilala siya bilang isang “trashtalker” sa laro, ani ni Peanut, iba ang ugali niya sa personal.
“Pinapakita ko lang naman po yung totoong ako pero yung mga pinapakita kong mga to, is for entertainment. Ganoon lang po talaga ako. Nag-stand out ako kasi parang satisfied sila pag pinapanood nila ako, nagiging masaya sila, pero hindi ko rin naman alam kung bakit. Basta pinapakita ko lang yung ano talaga ako sa totoong buhay,” ani niya.
Dahil sa kaniyang “trashtalker” persona, nagkaroon siya ng mga bashers. Ngunit hindi ito pumigil sa kaniya para ipagpatuloy ang kaniyang streaming career.
“Yung best part ko po sa streaming ko is yung fans and bashers ko. Yung mga fans ko po kasi sila po yung tumutulong sakin para ganahan ako mag-stream, syempre pati yung mga bashers gaganahan din ako mag-stream para sa kanila. Kasi nga pilit nila kong binababa pero di nila ako mababa-baba kasi malakas ako. Kaya ko yung sarili ko na kontrolin, hindi ako ma-ano sa emosyon ko, hindi ako nagpapadala sa emosyon ko,” sabi ni Peanut.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa mga paborito mong CoDM streamers.