Isang tap na lang ang layo ng Clover Kingdom dahil na-anunsyo na ng Shueisha ang kanilang Black Clover mobile game.
Ito’y magiging open world role-playing game tulad ng Genshin Impact na dinevelop ng Vic Game Studios, isang kompanyang Pearl Abyss.
Ito ang lahat ng kailangan mong malaman tulad ng kanilang release date, mga characters, at ang kakalabas lang na trailer.
Release date ng Black Clover mobile game
Ang Black Clover mobile game ay nakatakdang mag-live sa 2022. Hindi pa inilalabas ng Pearl Abyss kung kailan ang eksaktong date para, kaya nama’y mukhang mapapahintay pa ng kaunti ang mga fans ng anime na ito.
Ito’y kaabang-abang pa rin, dahil ipinapangako ng larong ito ang superior na 3D graphics at animation.
Liban sa pagiging open world RPG, ang Black Clover mobile game ay magsasama ng gacha elements na mapapansin sa Rare (R) at Super Super Rare (SSR) na classification sa trailer
Abangan ang mga update pa tungkol dito.
Mga character na aabangan ninyo sa Black Clover mobile game
Iilan sa mga characters sa anime series ang lalabas sa larong ito, at paniguradong lalabas ang mga bidang sina Yuno at Asta.
Nandito ang mga characters at ang kanilang rarity na makikita panandalian sa trailer:
BLACK CLOVER MOBILE GAME CHARACTER | GACHA RARITY |
Noelle Silva | R |
Yuno | R |
Asta | R |
Luck Voltia | R |
Magna Swing | R |
Finral Roulacase | R |
Gauche Adlai | SR |
William Vangeance | SSR |
Mars | SSR |
Vanessa Enoteca | SR |
Trailer ng Black Clover mobile game
Ang video game trailer ng Black Clover mobile game ay magsisimula sa umpisa ng kuwento nila Yuno at Asta. Ang mga eksena ay ipinakita na rin ang iba pang mga characters ng anime series.
Nakita rin ang kagandahan ng Clover Kingdom at ang kanilang mga mages, kasama na rin ang wrath of the three-eyed demon god sa dulo ng video.
Maaring makita ng anime fans ang official Twitter account para sa mga balita at updates.