Ang ONE Esports at Toyota Motor Asia Pacific ay naghahanda na upang maghatid ng kapana-panabik na aksyon sa pagbabalik ng Toyota GR GT Cup Asia 2022, isa sa mga nangungunang esports racing event ng taon.

Ang Toyota GR GT Cup Asia 2022, na nakatakdang maganap sa ika- 29 ng Oktubre, ay papasok sa isang bagong series, kung saan ang kompetisyon ay lilipat mula Gran Turismo Sport patungong Gran Turismo 7.

Ang mga pinakamahuhusay na eMotorsport racers mula sa iba’t ibang dako ng Asia ay handang patunayan na sila ang pinakamabilis sa rehiyon. Ang top two finalists mula sa Toyota GR GT Cup Asia 2022 ay direktang aabante sa GR GT Cup Global Final upang makipaglaban para sa karangalan kasama ang ilan sa mga pinakamahusay na racers sa mundo.

Format ng Toyota GR GT Cup Asia 2022

Ang top 20 na mangangarera ay pinili mula sa pitong local qualifiers, kung saan ang top three na racers mula sa bawat tournament ay umabante sa Semi Finals sa Toyota GR GT Cup Asia 2022.

Ang mga racers na ito ay hahatiin sa Groups A, B, at C.

Teams:

  • Indonesia
  • Malaysia
  • Philippines
  • Singapore
  • South Korea
  • Taiwan
  • Thailand

Ang group ng bawat racer ay natukoy sa pamamagitan ng randomized draw.
Ang top five na racers mula sa bawat group ay uusad sa Final stage, kung saan sila ay sasabak sa tatlong magkakaibang karera upang makita kung sino ang kokoronahan bilang Toyota GR GT Cup Asia 2022 champion.

Ang bawat stage ay huhusgahan batay sa iba’t-ibang point system. Ang mga racers na magtatapos sa ika-anim at ika-pitong puwesto sa Semi Finals ay matatanggal.
Ang mga points mula sa lahat nang stages, kabilang ang Semi Finals at Main Event, ay bibilangin din para sa mga team awards at individual awards.

Semi Final Race (Group A, B, at C)

RANKPOINTS
1st13
2nd11
3rd9
4th7
5th4
6th3
7th2

Main Event

Final Race Round 1 and 2

RANKPOINTS
1st23
2nd20
3rd17
4th15
5th13
6th11
7th9
8th8
9th7
10th6
11th5
12th4
13th3
14th2
15th1

Final Race Round 3

RANKPOINTS
1st28
2nd24
3rd20
4th17
5th14
6th12
7th10
8th9
9th8
10th7
11th6
12th5
13th4
14th3
15th2

Sino ang mga racers na aabangan ngayong taon?

Credit: ONE Esports

Nangibabaw ang Thailand sa kompetisyon noong nakaraang taon, kung saan nakuha ni Nathayos Sirigaya ang korona at ang Team Thailand naman ay nanguna sa team standings. Sa lakas ng kanilang performance noong nakaraang taon, sila ang team na kailangang talunin sa taong ito.

Kabilang sa iba pang mga kalahok na dapat abangan ay si Y.T Chou ng Taiwan, ang natatanging runner-up noong nakaraang taon.

Ang Team Malaysia, ang team runner-up noong nakaraang taon, ay mukhang mas malakas ngayong taon. Sa pamumuno ni Iqbal Suji, pagkatapos ng kanilang pagkapanalo sa Malaysia Toyota GR Velocity Championship, siya at ang kaniyang team ay maaaring makasungkit ng unang puwesto sa Toyota GR GT Cup Asia ngayong taon.


Prize money at rankings ng Toyota GR GT Cup Asia 2022

Individual Prize Award

Ang top three na racers ay mag-uuwi ng premyo base sa kanilang naipong points mula sa bawat karera.

Tanging ang mga racers lamang na nakakumpleto ng apat sa pitong Global Qualifiers ang maaaring manalo.

  • 1st Prize — US$6,000 (+1 seat in the TGR GT Cup 2022 Global Finals)
  • 2nd Prize — US$3,000 (+1 seat in the TGR GT Cup 2022 Global Finals)
  • 3rd Prize — US$1,500

Team Prize Award

Ang mga prizes ay ibibigay base sa total points na nakuha ng top two na racers na kumakatawan sa bawat team, gayunpaman, ang mga prizes ay paghahatian ng buong team.

  • 1st Prize — US$6,000
  • 2nd Prize — US$3,000
  • 3rd Prize — US$1,500

Mga tracks, kalsada, at race cars sa Toyota GR GT Cup Asia 2022

Apat na karera at apat na Toyota GR cars ang napili upang itulak sa sukdulan ang mga racers sa bawat stage ng kompetisyon.

Kinakailangan ang mastery ng lahat nang cars at tracks para makatawid ang mga racers sa iconic na Nurburgring Circuit at mahihigpit na kanto ng Circuit de la Sarthe.

Hindi lamang sa karera dapat nakatutok ang mga racers, kailangan din nilang tumutok sa kalangitan. Isang bagong elemento ng difficulty ang naging posible sa Gran Turismo 7 – Dynamic Weather. Hinahamon nito ang mga racers na asahan ang mga basang kondisyon at gumawa ng tamang adjustments upang maiwasan ang wheelspin at aquaplaning, na maaaring ikawala ng kanilang tagumpay.

Semi Final Race (Group A, B, at C)

Credit: Toyota and Gran Turismo 7

Ang kumpetisyon sa taong ito ay magsisimula sa Fuji International Speedway, ang home ground track ng Toyota. Isang pamilyar na track sa karamihan nang mga racer ang Fuji International Speedway na nagtatampok ng mahabang tuwid na daan papunta sa isang hairpin na nagbibigay ng magandang pagkakataon upang mag-overtake.
Ang mga racers ay sasailalim sa 10-lap endurance race sa GR Yaris dahil ang compact size nito at GR-FOUR AWD system ay tutulong sa kanila sa pag-track sa mahahabang stretches at masisikip na kanto.

Main event

Final Race Round 1

Credit: Toyota and Gran Turismo 7

Ang mga competitors na aabante mula sa Semi Finals ay magpapatuloy sa karera sa bagong track ngayong taon, ang Circuit de Barcelona-Catalunya.

Punong-puno ng mga blind corners at pabago-bagong topograpiya, kailangang asahan ng mga racers ang kanilang braking at throttle response sa GR Supra upang masigurado ang pinakamabilis na racing line.

Final Race Round 2

Credit: Toyota and Gran Turismo 7

Ang ikalawang stage ng Final round ay magdadala sa mga racers paikot sa Nürburgring GP circuit. Nasaksihan ng iconic na track na ito ang iba’t ibang high-performance na sasakyan at maalamat na championship.

Sa pagkakataong ito, dadalhin ng mga racers ang bagong GR Supra GT4 Race Car na may 50:50 weight distribution at 542 BHP race-tuned engine, na handang i-catapult sila papunta sa winner’s circle.

Final Race Round 3

Credit: Toyota and Gran Turismo 7

Bilang tahanan ng 24 Hours Le Mans endurance race, ang Circuit De La Sarthe ang magiging huling pagkakataon ng mga racer para maabot ang tagumpay. Sa kakayahang umabot ng 400+km/h sa GR010 Hybrid Hyper Car, ang mga racers ay magkakaroon ng anim na laps at 670 horsepower sa kanilang gagamitin upang harapin ang maalamat na dambuhalang ito.


Saan mapapanood ang Toyota GR GT Cup Asia 2022

Ang Toyota TGR GT Cup Asia 2022 ay ipapalabas sa ika-29 ng Oktubre, 2022, 6:00 p.m. GMT+8.

Ang buong tournament ay mai-stream sa:

Upang manatiling up to date sa lahat nang impormasyon tungkol sa Toyota GR GT Cup Asia 2022, siguraduhing i-bookmark ang tournament website.