Pagkatapos ng limang linggong paglalaro, ang Marcos Gaming ang unang koponan sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 na naging kwalipikado para sa final offline.
Tinapos ng koponan ang phase one ng Indian regular season na may perfect score na 12 matapos manalo sa lahat nang kanilang mga laban, na nagpaarangkada sa koponan papunta sa unang puwesto at agad silang dinala sa final sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Marcos Gaming laging one step ahead sa kanilang mga kalaban
Sa buong regular season, nagmukhang madali para sa Marcos Gaming ang kanilang mga laban. Ang kanilang natatanging team coordination at malinis na decision-making sa mga kritikal na sitwasyon ay nagbigay-daan sa kanila na manatiling lamang sa kanilang mga kalaban.
Ang kanilang consistent performance ay nagdala sa team ng maraming mga bagong fans at respeto mula sa mga dating nagdududa, lalo na pagkatapos ng kanilang nakakakilabot na three-game series laban sa S8UL.
Ang S8UL ang pinakamahigpit na nakalaban ng Marcos Gaming
Sa huling laban para sa magkabilang koponan, nilinaw ng S8UL at Marcos Gaming na pareho silang gutom na tapusin ang regular season na may panalo nang itabla nila ang series 1–1. Ang series-deciding match three ay hindi rin naging simple.
Nauwi lahat sa late game. Piniwesto ng Marcos Gaming ang kanilang mga sarili upang depensahan si Rayquaza na libreng pumupuntos sa gilid, dahil alam na alam nilang walang kapasidad ang S8UL na ipagtanggol ang kanilang mga side goals. Ngunit hindi nito napigilan ang pagsabog ng isang buong team fight, kung saan malinaw na nanalo ang S8UL.
Ngunit dahil alam nilang mayroon silang malaking lamang upang punan ang mga papasok na goals, inilabas ni Marcos Gaming ang lahat nang kanilang makakaya upang pahirapan ang S8UL sa pagpuntos. Nag-split ang team upang depensahan ang kanilang goal habang sinusubukan din nilang pumuntos, hindi sila pumayag na ang kalaban lang ang makakuha ng lahat nang puntos.
Ang play na ito ang nagpanalo sa kanila sa series sa maliit na lamang na 21 points.
Ang phase two ng Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Indian division ay magsisimula sa February 12 kung saan ang natitirang apat na teams ay maglalaban para sa huling slot sa final offline.
Panoorin ang mga laban nang live sa YouTube, Facebook, o Twitch stream ng ONE Esports.