Attention, hunters!
Nagpapatuloy ang napaka-epic na Horizon game franchise ng Guerrilla Games sa Horizon Forbidden West. Muling makikita ng mga players si Aloy bilang isang mas ekspiryensadong huntress na maglalakbay sa western region ng United States.
Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa Horizon Forbidden West, kabilang ang kwento, gameplay, trailer, release date, at kung sa aling mga platforms ito malalaro.
Ano ang Horizon Forbidden West?
Ang Horizon Forbidden West ay ang sequel ng Horizon Zero Dawn (2017) at tampok dito ang karamihan sa parehong gameplay mechanics ng game na sinundan nito.
Sinusubaybayan sa Horizon series si Aloy, isang batang huntress mula sa Nora tribe na naglaalkbay sa isang post-apocalytic world na puno ng mga robotic creatures.
Maaaring gumamit si Aloy ng isang augmented reality device na tinatawag na “Focus” upang makadiskubre ng impormasyon at detalye tungkol sa kanyang paligid at mga machines na kanyang nakakaengkwentro. Gumagamit din ang bida ng isang melee spear na may override module, na nagbibigay sa kanya ng kakayahan na gawing kakampi ang mga mababangis na machines sa sandaling panahon.
Ang Horizon Forbidden West ay isang open-world action RPG na naganap sa western United States. Sasamahan ng mga players si Aloy na tuklasin ang mga sikretos a likod ng lumulubhang kalagayan ng rehiyon.
Gameplay ng Horizon Forbidden West
Ang Horizon Forbidden West ay may third-person perspective habang sumusubaybay sa paglalakbay ni Aloy. Makakaasa ang mga players na makakita ng mga mayabong ng kagubatan, mga lumubog na lungsod, at magagandang kabundukan sa sequel na ito.
Habang naglalakbay sa mga lugar na ito, makakaengkwentro ang mga players ng mga mababangis na machines na maaaring i-hunt at i-salvage para sa mga bagong weapons at kagamitan. May tsansa rin na makatagpo ng mga kalabang raiders, maaaring makakuha ng mahalagang items sa kanila o sa kanilang kampo.
Ang isang bagong mechanic sa Forbidden West ay ang underwater exploration. Sa State of Play trailer, ipinakita ng mga developers na maaaring sumisid sa ilalim ng tubig upang mabilis na makatakas sa mga land-based na kalaban at makahanap ng daan papunta sa iba’t ibang lugar sa mapa.
Release date ng Horizon Forbidden West
Ang Horizon Forbidden West ay lalabas sa February 18 para sa PlayStation 4 at 5.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.