Nakipag-partner up ang EA sa Middle-earth Enterprises para mag-develop ng bagong mobile game, ang The Lord of the Rings: Heroes of Middle-earth. 

Mag-aagawan rin ba ang mga players para sa singsing? 

Detalye ng Lord of the Rings mobile game 

Lord of the Rings
Credit: Lord of the Rings, New Line Cinema

Makikita sa larong ito na makikipaglaban ang mga players sa isang RPG na may halong combat. Kailangan laruin ng mga players ang mga iconic na storya mula sa mga lbiro at pelikula ng Lord of the Rings. 

Nasa development na ang free-to-play na larong ito sa Capital Games studio ng EA at mag-uumpisa ang limited beta testing ngayong summer. 

“We are thrilled to be working with EA once again, this time to bring a mobile game solely inspired by Middle-earth as described in the literary works of J.R.R. Tolkien to its fans,” sabi ni Fredrica Drotos, chief brand at licensing officer ng Middle-earth Enterprises. 

“We are incredibly excited to partner with The Saul Zaentz Company and Middle-earth Enterprises on the next generation of mobile role-playing games,” sabi ni Malachi Boyle, vice president ng mobile RPG para sa EA. 

“The team is filled with fans of The Lord of the Rings and The Hobbit and each day they bring their tremendous passion and talents together to deliver an authentic experience for players. The combination of high-fidelity graphics, cinematic animations, and stylized art immerses players in the fantasy of Middle-earth where they’ll go head-to-head with their favorite characters.” 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol dito.