Ang Fist Bump gun buddy, mas kilala bilang Riot gun buddy, ay isa sa pinaka-inaasam na Valorant collectibles ng mga players.
Bihira lang ito nakukuha kaya mas ginugusto ito ng mga players.
Hindi maaring mabili ang Riot gun buddy sa in-game store ng Valorant, at hindi rin ito pwedeng ma-unlock sa Battle Pass o kahit anong limited-time events.
Ang natatanging paraan para makuha ang gun buddy na ito ay sa pamamagitan ng mga aksyon ng isang player, at dinetalye ito ng empleyado ng Riot Games na si DullMoment sa support page ng developer.
Paano makakuha ng isang Riot gun buddy, ayon sa Riot Games
Ang pinakamagandang paraan para makolekta ang Fist Bump gun buddy ay ang pagpakita ng huwaran na sportsmanship habang nasa isang match kasama ang isang Riot Games na empleyado. Dapat magpakita ng tamang asal ang mga players, maliban pa sa pagiging isang positibong impluwensya sa kaniyang team para makakuha ng isang pagkakataon magkaroon ng gun buddy.
Ngunit hindi ka dapat humiling ng isang buddy sa isang Rioter. Ang bawat empleyado ng Riot Games ay may limitadong Fist Bump gun buddies na maaring nilang maipamigay, at walang may gustong ma-harrass.
Pinapayuhan rin ang mga players na ‘wag magpasa ng isang ticket sa Riot support page, o ang pag-direct message sa mga Rioters sa Twitter. Kahit na sa tingin mo ay naging good sport ka, kailangan pa rin ito makita ng isang Rioter.
Nagbabala rin sila na hindi kailanman ibebenta ng isang Rioter ang kanilang Fist Bump gun buddies, o di kaya bumuo ng paligsahan para makuha ito.
Pinayuhan ni DullMoment na I-report ang mga taong gumagawa nito.