May problemang kinakaharap ang EVOS Legends. Matapos kasi nilang pangibabawan ang unang bahagi ng regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10), dinagukan naman sila ng tatlong sunod-sunod na talo.

Noong una ay nabansagan pa ang kampanya ng koponan bilang bagong era para sa mga puting tigre, lalo na noong talunin nila ang ONIC Esports at RRQ Hoshi. Pero simula noong matalo sila kontra Aura Fire noong ikalimang linggo, bigo na ang EVOS Legends na makasungkit ng panalo.

Winalis sila ng Alter Ego at Rebellion Zion noong ika-anim na linggo ng regular season, dahilan para bumagsak sila sa ika-apat na puwesto ng standings. Naghirap tuloy lalo ang kompetisyon para sa makaselyo ng slot sa upper bracket ng playoffs dahil may tsansa na rin ang Aura Fire at koponan nina Eldin “Celiboy” Putra.

Nawala ang pagkakakilanlan ng EVOS Legends

Ikatlong-sunod na talo ng EVOS Legends sa MPL ID S10, naitala kontra Rebellion Zion
Credit: ONE Esports

Sa mga laban nila kontra Alter Ego at Rebellion Zion, kapansin-pansin kung paano nag-underperform ang EVOS Legends. Malayo sa naipamalas nila noong unang bahagi ng regular season.

Hindi nila ma-execute ang kanilang draft, pero tila may kanya-kanya ring problema ang mga manlalaro. Hindi na makapagbuhat si Hafizhan “Clover” Hidayatullah, samantalang tila dinadaga pa ang dibdib ni Rizqi “Saykots” Damank, matapos palitan si Gerald “Dlarskie” Trinchera sa main roster mula sa MLBB Development League Indonesia.

Ikatlong-sunod na talo ng EVOS Legends sa MPL ID S10, naitala kontra Rebellion Zion
Credit: ONE Esports

Matapos ang kanilang tagumpay, ibinahagi ni David “Swaylow” Sihaloho ng Rebellion Zion ang kanyang palagay tungkol sa sunod-sunod na talo ng EVOS Legends. Aniya, ito raw ay dahil sa paghahabol sa perfection ng kanilang coach na si Bjorn “Zeys” Ong.

“EVOS Legends mungkin dari pelatihnya ingin kesempurnaan gitu. Jadi semua cara mereka coba. Bagi saya mereka hanya masih mencari komposisi saja sih,” sagot ni Swaylow sa ONE Esports sa press conference.

(Baka dahil sa kagustuhan ng mga coach ng EVOS Legends na makamit ang perfection. Sinusubukan nila ang lahat ng posibleng paraan. Para sa akin, naghahanap lang sila ng komposisyon.)

Credit: EVOS Esports

Madalas ngang pihit-pihitin ng EVOS Legends ang kanilang roster. Patunay na ang paglipat nila kina Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin at Raihan “Bajan” Ardy sa MDL para kina Arthur “Sutsujin” Sunarkho at Rachmad “DreamS” Wahyud. At ang pinakahuli lang na pagpapalit nina Dlar at Saykots.


Susubukang putulin ng EVOS Legends ang kanilang losing streak sa ikapitong linggo ng MPL ID S10 kontra Geek Fam ID at ONIC Esports.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ONIC PH binokya ang RSG PH, iseselyo ang unang playoff spot sa MPL PH S10