Abangan ang susunod na beta test ng Diablo 4. Ito ay muling bubuksan para sa lahat at nakatuon sa pagsubok sa stability ng server at iba pang mga bagay.
Isa itong malaking balita para sa mga fans ng franchise, dahil dati ay inakala na ang dalawang nakaraang weekend events ay ang tanging pagkakataon para masubukan nila ng pinakahihintay na game.
Ang bagong Diablo 4 test ay gaganapin sa May
Base sa opisyal na blog mula sa Blizzard, maaari muling malaro ng mga fans ng game simula Friday, May 12, 12:00 p.m. PST | Saturday, May 13, 3:00 a.m. GMT+8 hanggang Sunday, May 14, 12:00 p.m. PST | Monday, May 15, 3:00 a.m. GMT+8.
Ang event ay bukas sa lahat nang platform sa Windows PC, Xbox Series X|S, Xbox One, PlayStation 5, at PlayStation 4.
Mga pagbabago sa Diablo 4 server slam
Mayroong mga malaking pagbabago sa pagkakataong ito. Noon, ang mga players ay maaaring umabot hanggang level 25 sa panahon ng kanilang pagsubok, ngunit sa ngayon, hanggang level 20 na lamang ang limitasyon.
Wala nang maitatransfer na progress mula sa mga naunang beta. Kailangan mong magsimula ulit at maranasan ang mga pagbabagong ginawa.
Bukod pa rito, tinanggal na nila ang bonus sa legendary drop rates sa test na ito. Ito na ang magiging rate na matatagpuan sa launch version ng Diablo 4.
Mga rewards sa Diablo 4 server slam
Kung interesado kang makakuha ng mga rewards na kasama sa iyong character kapag nagsimula na ang game, siguraduhin na sumali ka sa beta event na ito.
Isa sa mga hamon na kakaharapin mo sa iyong pangatlong paglalakbay sa Sanctuary ay ang pakikipaglaban sa world boss na si Ashava. Karaniwang itong inirerekomenda sa mga level 25 groups, ngunit dahil sa limitasyon ng level 20, mas magiging mahirap ang talunin siya.
Ngunit kung magagawa mo ito, tatanggap ka ng Cry of Ashava Mount Trophy bilang reward.
Hindi ka ba nakakuha ng mga naunang premyo? Huwag mag-alala, maari mo pa rin silang makuha sa darating na event.
Para sa mga nakapaglaro na ng mga naunang beta at nakakuha na ng mga premyo, hindi na nila kailangang muling i-unlock ang mga sumusunod na rewards.
- Initial Casualty Title: nakamit sa pamamagitan ng pag-abot ng Kyovashad sa isang character.
- Early Voyager Title: nakamit sa pamamagitan ng pag-abot ng level 20 sa isang character.
- Beta Wolf Pack Cosmetic Item: nakamit sa pamamagitan ng pag-abot ng level 20 sa isang character.
- Cry of Ashava Mount Trophy: nakamit sa pamamagitan ng pagtalo kay Ashava gamit ang isang character na level 20.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.