Pwede ka na ring maging hypebeast tulad ni King sa Tekken 3.
Ang streetwear brand na Supreme ay nakipagsanib-pwersa sa Japanese fashion company na Yohji Yamamoto para sa isang must-cop collection para sa mga FGC fans.
Ang Supreme Tekken collaboration ay kintatampukan ng original artwork mula sa legendary fighting game franchise, na nagdagdag ng twist sa retro lettering at logo design ng series.
Supreme Tekken collaboration ibinabalik ang mga fans sa panahon ng Tekken 2
Bagama’t tila biglaan ang pagpasok ng Tekken para sa dalawang fashion brands, mahusay na naipakita sa collection ang kakaibang aesthetic ng franchise.
Sa bomber jacket ng collection, makikita ang main character ng Tekken 2 na si Kazuya Mishima sa kanyang devil form, sa back print naman ay makikita ang kanyang palette swap character na si Angel.
Hatid din ng Supreme ang perfect na fall outfit sa kanilang King at Kunimistu sweaters. Ang parehong brands ay merong retro, pixel typeface, na may nakasulat na Supreme sa kaliwang manggas at Yohji Yamamoto naman sa likod.
Ngunit ang pinakamaganda na yatang piyesa ng collaboration ay ang button-up character select shirt, kung saan makikita ang lahat nang 25 characters mula sa Tekken 2. Sa likod ay makikita ang pangalan ng Supreme na nakasulat sa Japanese lettering at may blue flame design na katulad ng sa pants ni Jin Kazama.
Bukod sa original artwork designs, ang dalawang brands ay nagbigay ng kanilang sariling spin sa iconic logos ng Tekken. Tampok sa mash-up logos ang ilang patong ng mga Japanese at English words, kung saan nangingibabaw ang salitang Supreme na may gold block font. Ang logo ng basic tee ay katulad ng electric aesthetic ng logo ng Tekken 4 dahil sa neon blue stroke sa cursive logo ng Yohji.
Ang Supreme Tekken collection ay available sa kanilang official website mula noong September 22, at nag-launch namans a Japan sa mga piling Yohji Yamamoto online stores noong September 24.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.